THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL

LATEST NEWS

April 29, 2025

TINGNAN | Operation Tuli 2025 sa Brgy. Gulod Malaya handog ng MHO

Sinimulan na ngayong araw, ika-29 ng Abril 2025, ang unang araw ng Operation Tuli 2025 na handog ng San Mateo Rizal Municipal Health Office. Una itong isinagawa sa Brgy. Gulod Malaya Covered Court at susunod namang ilulunsad sa iba pang mga barangay. Higit sa 80 mga binatilyo mula sa mga Brgy. Gulod Malaya at Sto. Niño ang sumailalim sa isang health assessment at nahandugan ng naturang serbisyong medikal nang libre.

Abangan ang mga susunod na schedule ng Libreng Tuli Program sa inyong mga barangay. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 29, 2025

TINGNAN | Donasyon para sa Municipal Dog Pound mula sa SM City San Mateo

Bumisita ang mga kawani ng SM City San Mateo - SM Store sa ating Municipal Dog Pound ngayong araw upang mamahagi rito ng dog/cat food at cleaning materials. Sinamantala na rin nila sa kanilang pagdalaw ang pakikipag-bonding sa mga fur babies na kasalukuyang nanatili sa dog pound. May mga nagpakain, nagpapicture, at ang the best sa lahat…mayroon ding nag-adopt!

Ang pagbisita ng mga SM Store employees sa Municipal Dog Pound ay bahagi ng selebrasyon ng kanilang CSR Day o Corporate Social Responsibility Day. Nakatuon ang araw na ito sa kanilang pagkakawanggawa at pagseserbisyo sa komunidad.

Maraming salamat, SM City San Mateo - SM Store, sa inyong mga kaloob sa ating Municipal Dog Pound na nasa ilalim ng pangangasiwa ng San Mateo Rizal Animal Welfare Office. Tiyak na kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga aso't pusang kinakanlong ng ating pasilidad!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 29, 2025

PABATID | Filipino Food Month Celebration: Tampok na mga Kakanin sa San Mateo

Bilang selebrasyon ng Filipino Food Month ngayong buwan ng Abril, halina sa lobby ng ating munisipyo bukas, ika-30 ng Abril 2025, at mamili ng mga kakaning bida sa ating bayan!

Magmula sa kutsinta, kalamay, bibingkang kamoteng kahoy, bibingkang galapong, biko, at maha na bigas hanggang sa pancit luglog, menudong tagalog, at lumpiang papaya...handa na itong ihain para sa lahat ng mamimili ni Gng. Amalia Vicente, ating kababayan mula sa Brgy. Guitnang Bayan II na isa sa mga kilalang gumagawa ng kakanin sa San Mateo!

Kita kits sa municipal lobby bukas ng Miyerkules sa ganap na 9:30 ng umaga at tangkilikin ang mga kakaning gawang atin!

Happy Filipino Food Month!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 28, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Motorpool at ng General Services Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz . Bilang host department, iniulat ng Motorpool at ng General Services Office (GSO) ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan.

Tinitiyak ng Motorpool na nasa maayos at kapaki-pakinabang na estado ang mga sasakyang ginagamit ng Pamahalaang Bayan sa pagseserbisyo nito sa ating mga kababayan. Samantala, nakatuon din ang GSO sa pagtiyak na ang bawat tanggapan sa ating Pamahalaang Bayan ay mayroong mga nauukol na kagamitan at ang mga ito ay nasa maayos na lagay.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 28, 2025

TINGNAN | 2025 Solo Parent's Day Celebration handog ng MSWDO

Bilang kulminasyon ng 2025 National Solo Parent's Week, 80 solo parents, focal persons, at volunteers ang nagtipon at masiglang nakibahagi sa ginanap Solo Parent's Day Celebration nitong Sabado, ika-26 ng Abril 2025, sa Alfredo's Place, Brgy. Maly. Sa natatanging araw na ito, binigyang pugay nina Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Municipal Administrator Henry Desiderio ang mga solo parents sa kanilang pagsusumikap at katatagan sa pagtataguyod ng kanilang mga anak at pamilya kahit na nag-iisa.

Nagbigay aliw sa mga dumalo ang sayawan na hatid ng Zumba session samantalang napuno naman ng iyakan ang pagbabahagi ng bawat isa ng kanilang mga nakaaantig na kuwento bilang mga solo parents. Pinaka naging tampok sa selebrasyon na ito ay ang paglulunsad ng kauna-unahang solo parents booklet sa ating bayan na tinanggap ng mga dumalong solo parents na pawang nabibilang sa Code B ng Benefit Qualification Code. Sila ay ang mga solo parents na mayroong anak na nasa edad 6 na taong gulang pababa.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa makabuluhang araw na ito! Bayan ng San Mateo, kalinga at serbisyo ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 28, 2025

PABATID | Kapihan sa Aranzazu: San Mateo Rizal Candidates’ Forum

Saksihan at pakinggan ang mga kandidatong magtatapatan sa ating bayan!

Pangungunahan ngayong Sabado, ika-3 ng Mayo 2025, ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) San Mateo, Rizal ang “Kapihan sa Aranzazu: San Mateo Rizal Candidates’ Forum”. Kanilang inimbitahan at pagsasama-samahin dito ang mga tatakbong opisyales na nagnanais mamuno sa ating bayan— congressman, mayor, vice mayor, at board member.

Sama-sama nating busisiin ang kanilang mga plataporma, adbokasiya, at plano para sa buong San Mateo at sa mga mamamayan nito. Pakinggan natin ang kanilang mga sentimyento ukol sa mga isyung kasalukuyang kinakaharap ng ating bayan at bansa. Suriin nating mabuti kung sino sa kanila ang may higit na paninindigan at karapat-dapat na maihalal sa mga posisyong kanilang ninanais.

Abangan kung sinu-sino ang mga matatapang na kumasa sa hamon at maghaharap-harap ngayong Sabado sa Kapihan sa Aranzazu: San Mateo Rizal Candidates’ Forum! Live itong panoorin sa official Facebook page ng PPCRV sa ating bayan, PPCRV San Mateo Rizal, sa ganap na alas-8 ng umaga.

#NLE2025Elections
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 27, 2025

TINGNAN | Site validation para sa Project LAWA at BINHI ng DSWD sa San Mateo, Rizal

Matapos ang naging coordination meeting sa pagitan ng DSWD Field Office IV-A CALABARZON at ilang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan, agad na isinagawa ang site validation para sa ilulunsad na Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) sa ating bayan nitong Miyerkules, ika-23 ng Abril 2025.

7 project sites mula sa ilang mga barangay ang binisita ng Project LAWA at BINHI technical working group upang alamin ang pagiging angkop ng mga ito sa pagsasakatuparan ng mga proyektong ibaba sa ating bayan gaya ng Communal Vegetable Gardening at Aquafarming. Nakatuon ang Project LAWA at BINHI sa paghubog ng kahandaan ng ating mga komunidad sa pagharap sa mga riskong dala ng klima at mga sakuna. Ang site visit na ito ay bahagi ng panimulang hakbang upang ating matiyak na ang mga proyektong ito ay maayos na maipapatupad at magbubunsod ng matibay na pundasyon para sa mga pangmatagalang programa laan sa ating mga bulnerableng komunidad.

Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 26, 2025

PAGDIRIWANG | National Solo Parents Day 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng National Solo Parents Day 2025 ngayong araw na may temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Sigurado”. Ating kinikilala at binibigyang pugay ang mga kababayan nating solo parents na siyang larawan ng katatagan, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Mabuhay ang ating kababayang solo parents!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 25, 2025

TINGNAN | Dengue Awareness and Prevention Seminar Workshop handog ng MHO

Isinagawa ngayong araw ang isang Dengue Awareness and Prevention Seminar Workshop sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office na ginanap sa ikalawang palapag ng ating municipal stadium. Dinaluhan ito ng mga Homeowners Association (HOA) officers mula sa limang barangay na may pinakamataas na kaso ng dengue sa ating bayan—Brgy. Ampid I, Brgy. Banaba, Brgy. Guitnang Bayan I, Brgy. Maly, at Brgy. Silangan.

Isa lamang ito sa mga nagiging aksyon ng ating Pamahalaang Bayan sa pagsugpo ng sakit na dengue sa ating mga pamayanan. Patuloy nating gawing malay at maalam ang ating mga sarili sa mga peligrong dala ng sakit na ito, maging ang mga kailangang gawin upang makaiwas dito.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 25, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Motorcade for Feast of the Divine Mercy

Bilang paghahanda sa paparating na pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos, magkakaroon ng motorcade sa darating na Linggo, ika-27 ng Abril 2025, sa mga sumusunod na oras at ruta:

⏰ 8:30 AM - 10:00 AM
Magsisimula ito sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu at babagtasin nito ang mga kalsada ng B. Mariano St., Pelbel, Gen. Luna Ave., JFD Road, at C6 patungong Divine Mercy Church sa Brgy. Guitnang Bayan I.

⏰ 3:00 PM - 4:00 PM
Magsisimula ito sa Divine Mercy Church at babagtasin naman ang kahabaan ng C6, Kambal Rd., at pabalik ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa ruta ng motorcade. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


April 25, 2025

Kasalukuyang nakahalf-mast ang watawat ng Pilipinas sa harap ng munisipyo bilang pakikiisa sa idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos na panahon ng pambansang pagluluksa sa pagyao ni Pope Francis na nakasaad sa Proclamation No. 871, s. 2025. Ayon din sa proklamasyong ito, mananatiling nakahalf-mast ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng mga pampublikong gusali hanggang sa mailibing ang Santo Papa.

Mataimtim na nakikiramay ang Pamahalaang Bayan sa pagpanaw ni Pope Francis na binansagang “The People’s Pope” at “Lolo Kiko” naman kung tawagin nating mga Pilipino. Kilala sa kaniyang pagiging mapagpakumbaba, simple, at may mahabaging puso para sa mga maralita at higit na bulnerableng mga mamamayan, inaalala si Lolo Kiko ng ilang bilyong Katoliko sa buong mundo nang may lubos na pagmamahal at galak sa kanilang mga puso.

#PopeFrancis

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 25, 2025

TINGNAN | Steamed Banana Bread Making Workshop handog ng GAD

Nagtipon sa Eastern Star Institute of Science and Technology Inc. ang mga kalahok na solo parents sa isinagawang Steamed Banana Bread Making Workshop kahapon, ika-24 ng Abril 2025. Isa itong livelihood program na inilunsad ng San Mateo Rizal Gender and Development Office katuwang ang TESDA.

Maraming salamat sa naging tagapagsanay rito na si Bb. Elvie Dalofin mula sa TESDA-Rizal, Provincial Office na nagbahagi ng nauukol na kaalaman sa mga kababayan nating solo parents.

Dito sa ating bayan, susulong ang kabuhayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 24, 2025

TINGNAN | SPES Orientation ng PESO

Ginanap ngayong araw sa ikalawang palapag ng San Mateo Municipal Stadium ang orientation ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office para sa higit 50 mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES). Dito’y nagsilbing tagapagsalita si G. Al Patrick Utanes mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at dumalo rin si Acting Municipal Mayor Grace Diaz na nagpaabot ng isang makabuluhang mensahe para sa mga naroon.

Bayan ng San Mateo, kahusayan at oportunidad ang hadog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 24, 2025

TINGNAN | Pagbisita ni former Sen. Kiko Pangilinan sa San Mateo, Rizal

Sa pagbisita ni dating Senador Kiko Pangilinan sa ating bayan nitong Martes, ika-22 ng Abril 2025, kaniyang kinumusta ang lagay ng sektor ng agrikultura sa San Mateo, Rizal. Nagpaabot din siya ng makabuluhang mensahe para sa ating mga magsasaka na dumalo at nagbida ng kanilang mga ice lettuce at saging. Bumati rin sa dating senador ang pamunuan at mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan na sina Mayor-elect Omie Rivera, Acting Municipal Mayor Grace Diaz , at mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.

Maraming salamat sa ANGAT SAN MATEO na siyang nanguna at nangasiwa sa pagbisitang ito. Salamat din sa San Mateo Farmers Federation at sa presidente nitong si G. Joseph Salamat para sa naging representasyon ng ating mga kababayang magsasaka.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 24, 2025

HAPPENING NOW | 2025 National Solo Parents Week Celebration Bazaar

Kasalukuyang nagkakaroon ngayong araw ng bazaar hatid sa atin ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng San Mateo Rizal Solo Parents Association bilang pagdiriwang ng 2025 National Solo Parents Week.

Halina’t magtungo sa kahabaan ng Aranzazu St. (gilid ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu) upang suportahan ang ating mga kababayang solo parents at mamili ng kanilang binebentang mga produkto.

Tuloy-tuloy lamang ito hanggang bukas, ika-25 ng Abril 2025, kaya naman tara na’t mamili, kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 24, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION simula mamayang alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw, ika-25 ng Abril 2025. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LINE METER AND STRAINER DECLOGGING ng Manila Water sa:

- Kambal Rd. cor. Gen. Luna Ave.

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Guitnang Bayan I at Brgy. Guitnang Bayan II.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


April 23, 2025

TINGNAN | NCSC Payout para sa mga Octogenarian at Nonagenarian sa San Mateo, Rizal

Magkatuwang na pinangunahan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office ngayong araw ang kauna-unahang NCSC payout para sa ating mga kababayang octogenarian at nonagenarian o mga senior citizen na nasa milestone age na 80, 85, 90, at 95 taong gulang. Ito ay sa ilalim ng RA 11982, s. 2024 o ang Expanded Centenarians Act.

Nagtipon sa OSCA Building ang 91 mga lolo’t lola mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan na tatanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng ₱10,000.00 bawat isa. Isasagawa ang payout na ito kada quarter kung kaya’t mga birthday celebrants mula Enero hanggang Marso 2025 ang mga naunang benepisyaryo nito na sinuring mabuti ng NCSC.

Antabayan ang ating mga susunod na anunsiyo para sa mga guidelines upang makapag-apply sa susunod na payout. Maaari ring makipag-ugnayan sa MSWDO para sa mga katanungan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 22, 2025

TINGNAN | Wall mural ng San Mateo for Good Governance NGO

Itinampok ng mga volunteer artists ng San Mateo for Good Governance, isang non-governmental organization sa ating bayan, ang kanilang obra maestra—isang wall mural na makikita sa kahabaan ng Gen. Luna Ave., bandang Brgy. Ampid II. Personal itong binisita at nasilayan ni dating Senador Kiko Pangilinan kahapoon, ika-22 ng Abril 2025, sa kaniyang pagdalaw sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa naturang NGO, ang wall mural na ito ay “isang obra na sigaw ng taumbayan para sa good governance”. Ipinapakita ng likhang sining na ito hindi lamang ang husay at pagkakapit-bisig ng mga masisining nating kababayan kung hindi maging ang kanilang adbokasiya at paninindigan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 22, 2025

PAGDIRIWANG | Earth Day 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ngayong araw ng Earth Day 2025 na may temang, "Our Power, Our Planet". Halina’t sama-sama tayong magkaisa at gumawa ng mumunting hakbang upang labanan ang climate change, protektahan ang ating kapaligiran, at ipreserba ang ating Inang Kalikasan.

Dito sa ating bayan, sama-sama tayo tungo sa pagsusumikap na panatilihing luntian ang ating kapaligiran!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 22, 2025

Happy birthday, Vice Mayor Jimmy Roxas! Isang mapagpalang kaarawan para sa ating duly elected Municipal Vice Mayor, Hon. Jaime Romel M. Roxas! Magsilbi nawang inspirasyon para sa lahat ang inyong sigasig sa pagseserbisyo sa ating bayan.

Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 22, 2025

PABATID | 2025 National Solo Parents Week Celebration Bazaar

Bilang pakikiisa sa malawakang pagdiriwang ng 2025 National Solo Parents Week na pangungunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office, katuwang ang San Mateo Rizal Solo Parents Association, malugod nating inaanyayahan ang lahat na bumisita sa National Solo Parents Week Celebration Bazaar! Yayain na ang inyong kapitbahayan at tara na sa kahabaan ng Aranzazu St. (gilid ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu) ngayong Huwebes at Biyernes, ika-24 at ika-25 ng Abril 2025.

Ating suportahan ang mga kababayan nating solo parents at mamili na ng kanilang mga ibebentang produkto. Sari-saring kagamitan, damit, o pagkain man ‘yan, tiyak na makakabili ka rito!

Bayan ng San Mateo, angat ang kabuhayan dito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 21, 2025

PABATID | 2025 National Solo Parents Week Celebration Bazaar

Bilang pakikiisa sa malawakang pagdiriwang ng 2025 National Solo Parents Week na pangungunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office, katuwang ang San Mateo Rizal Solo Parents Association, malugod nating inaanyayahan ang lahat na bumisita sa National Solo Parents Week Celebration Bazaar! Yayain na ang inyong kapitbahayan at tara na sa kahabaan ng Aranzazu St. (gilid ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu) ngayong Huwebes at Biyernes, ika-24 at ika-25 ng Abril 2025.

Ating suportahan ang mga kababayan nating solo parents at mamili na ng kanilang mga ibebentang produkto. Sari-saring kagamitan, damit, o pagkain man ‘yan, tiyak na makakabili ka rito!

Bayan ng San Mateo, angat ang kabuhayan dito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 21, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Capilpil Cemetery at ng SWMO

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna nina Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Vice Mayor Jojo Juta. Bilang host department, iniulat ng Capilpil o San Mateo Public Cemetery at ng Solid Waste Management Office (SWMO) ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy na nagsisikap ang pamunuan ng Capilpil Cemetery sa pagpapabuti ng pangkabuuang lagay at proseso sa ating pampublikong sementeryo. Bagama’t malayo na ito sa dati nitong estado, mabusisi ang ginagawa ritong pagmementena, ang pagsasaayos ng mga nadatnang sistema, at ang pagbuo ng mga karagdagang plano para rito.

Sa kabilang banda, patuloy din ang ating Solid Waste Management Office sa pagsasakatuparan ng mandato ng kanilang tanggapan—ang panatilihin ang kalinisan at ang kaaya-ayang anyo ng mga kalsada at iba pang mga pampublikong espasyo sa ating bayan.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 21, 2025

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa pagdadalamhati ng buong sambayanang Katoliko sa pagpanaw ng kasalukuyang Santo Papa at pinuno ng Simbahang Katolika na si Pope Francis. Magbibigay inspirasyon para sa lahat ang inyong mabuting puso at hindi malilimutang paglilingkod bilang pangunahing tagapagtaguyod ng pananampalataya ng mga Katoliko saan mang dako ng mundo. Sa inyong pagyao, mapayapa kayong magbabalik sa piling ng ating Dakilang Lumikha. Maraming salamat, Pope Francis. #SanMateoRizalLGU #SanMateoRizalPIO


April 20, 2025

TINGNAN | Community-centered Easter Day Event sa Estancia de Lorenzo

Naging masigla ang selebrasyon ng Pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus ngayong araw sa isinagawang Easter Safari Egg-venture na pinangunahan ng Estancia de Lorenzo. Halos 100 mga masisiglang chikiting ang nakibahagi sa Easter Egg Hunting Activity na ito ngunit naging tampok din ang iba’t ibang booths na mula sa sari-saring mga inimbitahang sponsors!

Natatanging mga aktibidad, meron niyan dito sa ating bayan! Halina’t bumisita sa Estancia de Lorenzo at i-experience ang saya ng pagiging one with nature kasama ang inyong buong pamilya! Bayan ng San Mateo, susulong dito ang turismo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 20, 2025

TINGNAN | Kuwaresma 2025: Pasko ng muling pagkabuhay ni Hesus

Daan-daang mga kababayan nating Katoliko ang maagang nagtipon ngayong Linggo ng Pagkabuhay para makibahagi sa idinaos na prusisyon ng salubong sa iba’t ibang mga simbahan sa ating bayan. Matapos ang prusisyon ay sinundan naman ito ng banal na misa na sinimulan ng pag-aawitan ng mga batang nakabihis pang-anghel habang nagtatagpo ang imahen ni Inang Maria at ni Hesus.

Ang Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday ay nagtatampok ng isang nakagagalak at makabuluhang tagpo para sa mga mananampalatayang Katoliko. Panahon ito ng ating pagninilay at pagpapalalim ng ating koneksyon at pananalig sa Panginoon, dala ang pag-asa na makakasama natin Siya sa pagtamasa ng buhay na walang hanggan.

Alleluia! Alleluia!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
#Kuwaresma2025


April 20, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Linggo ng Pagkabuhay

“Ngunit kung tungkol kay Jesus, alam natin na sa maikling panahon naging mas mababa ang kalagayan Niya kaysa sa mga anghel, para maranasan Niyang mamatay para sa lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios. At ngayon, binigyan Siya ng karangalan at kadakilaan dahil tiniis Niya ang kamatayan.” - Hebreo 2:9

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 19, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Sabado de Gloria

“Bumili si Jose ng mamahaling telang linen at kinuha ang bangkay ni Jesus sa krus. Binalot niya ito ng telang binili niya at inilagay sa libingang hinukay sa gilid ng burol. At pinagulong niya ang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan.” - Marcos 15:46

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 18, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Biyernes Santo

“Namatay Siya para sa lahat, para ang lahat ng nabubuhay ngayon ay hindi na mamumuhay para sa sarili, kundi para sa Kanya na namatay at nabuhay para sa kanila.” - 2 Corinto‬ ‭5:15‬

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 16, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Huwebes Santo

“Ang totoo, sinugatan Siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog Siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis Niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat Niya ay gumaling tayo.” - Isaias 53:5

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 16, 2025

TINGNAN | ICS Activation sa San Mateo Rizal ngayong Semana Santa 2025

Activated na ang Incident Command System (ICS) sa ating bayan ngayong araw, ika-16 ng Abril 2025, simula kaninang alas-11 ng umaga. Ito ay para sa pagkakaroon ng aktibo at sistematikong pagtugon sa anumang insidenteng maaaring maganap ngayong kasagsagan ng Semana Santa ngayong taon.

Mayroon na ring mga staging areas sa iba pang mga lokasyon sa ating bayan, partikular na sa mga lugar na daraanan ng mga magpuprusisyon mamayang gabi.

Bayan ng San Mateo, alerto tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 16, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Miyerkules Santo

“Kaunting panahon na lang at hindi na Ako makikita ng mga tao sa mundo, pero makikita nʼyo Ako. At dahil buhay Ako, mabubuhay din kayo.” - Juan 14:19

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 15, 2025

ANUNSIYO PUBLIKO | Half-day work arrangement sa mga opisina ng gobyerno sa Miyerkules Santo

Bilang pagbibigay daan sa taimtim na paggunita ng Huwebes Santo at Biyernes Santo ngayong linggo, suspendido simula alas-12 ng tanghali ang trabaho sa mga pampublikong opisina bukas ng Miyerkules, ika-16 ng Abril 2025. Mula ito sa ibinabang Memorandum Circular No. 81 ng Malacañang kahapon.

Inaasahang makapagbibigay ito ng sapat na oras upang makapaghanda ang lahat sa kani-kanilang mga gawain ngayong panahon ng Kuwaresma, partikular na ang mga uuwi pa sa mga probinsya.

‼️ PAGLILINAW: Patuloy pa rin ang magiging operasyon ng mga tanggapang nagpapaabot ng mga basic services, health services, disaster/calamity response at iba pang mga mahahalagang serbisyo.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 15, 2025

ALAMIN NATIN | San Mateo Rizal Emergency Hotlines

Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong. Gawing mapayapa at taimtim ang iyong pagninilay ngayong panahon ng Semana Santa at alamin ang mga numerong mahihingan ng saklolo sakaling maharap sa anumang insidente, bantang panganib, o sakuna.

Bayan ng San Mateo, alerto tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 15, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Martes Santo

“At sa pagiging tao Niya, nagpakumbaba Siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.” - Filipos 2:8

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 14, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng MDRRMO

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna nina Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Vice Mayor Jojo Juta. Bilang host department, iniulat ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Nagsisilbing pundasyon ng kanilang pagseserbisyo ang disaster prevention, preparedness, response, rehabilitation, at recovery. Sa mga ito nakaangkla ang mga pinapangunahan nilang pagsasanay, koordinasyon, at pagpapaigting ng kanilang kakayahan sa pagtugon sa panahon ng anumang insidente, bantang panganib, o sakuna sa ating bayan.

Dagdag pa rito, iniulat din ng MDRRMO ang kanilang isinasagawang paghahanda ngayong panahon ng Semana Santa. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng mga turista at iba pa nating mga kababayang makikibahagi sa mga aktibidad dito sa ating bayan.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 14, 2025

PABATID | PPCRV San Mateo Rizal Call for Poll Watchers

Nais mo bang maging isang poll watcher sa ating bayan ngayong paparating na 2025 National and Local Elections (NLE)? Halina't maging isang PPCRV volunteer! Magparehistro lamang sa link na ito para sumali: https://bit.ly/AranzazuPPCRV

Mga kuwalipikasyon:

✅ Hindi bababa sa 18 taong gulang ang edad
✅ Naninirahan sa San Mateo, Rizal
✅ Nonpartisan o hindi nakikianib/hayagang sumusuporta sa anumang politikal na partido

Tungo sa isang malinis at mapayapang halalan sa ating bayan, kababayan!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


April 14, 2025

PABATID | Steamed Banana Bread Making Workshop handog ng GAD at ng TESDA

Tinatawagan ang mga SOLO PARENTS ng ating bayan!

Magkakaroon ng isang Steamed Banana Bread Making Workshop sa darating na ika-24 ng Abril 2025 sa Eastern Star Institute of Science and Technology Inc., sa Brgy. Sta. Ana. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. Halina’t lumahok sa livelihood training program na ito at magparehistro na gamit ang link na ito! https://bit.ly/3RdjpO4

‼️ Hanggang 50 indibidwal lamang ang tatanggapin bilang mga opisyal na kalahok sa Steamed Banana Bread Making Workshop. Awtomatikong magsasara ang registration link sakaling makumpleto na ang unang 50 registrants.

Ang livelihood training program na ito ay sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at kahusayan ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 14, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Updated procession route ng NSDA ngayong Lunes Santo

Narito ang UPDATED na ruta ng prusisyon na pangungunahan ng National Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu mamayang alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.

Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalDPOS

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 13, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Lunes Santo

“Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” - Juan 15:13

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 13, 2025

SEMANA SANTA 2025 | Linggo ng Palaspas

“Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong si Jesus. Sumisigaw sila, ‘Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating na ito sa pangalan ng Panginoon. Pagpalain ang Hari ng Israel!’” - Juan 12:13

Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 11, 2025

TINGNAN | CDO/UPAO Orientation on 2024 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) of RA 9904

Higit sa 90 homeowners associations (HOAs) ng iba’t ibang barangay ang nagtipon ngayong araw, ika-11 ng Abril 2025, sa ating municipal stadium para sa kauna-unahang rollout sa ating bayan ng Orientation on 2024 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9904 o ang Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations. Dumalo at nagparating dito ng mensahe ng pagsuporta sa programa sina Acting Mayor Grace Diaz at Municipal Administrator Henry Desiderio.

Pinangunahan ng San Mateo Rizal Community Development Office/Urban Poor Affairs Office ang pagsasagawa ng aktibidad na ito at nagsilbing resource speakers naman sina OIC-Section Head Nini Go Sanchez, DHSUD-HOACDD Region 4A at Housing and Homesite Regulation Officer Chelcy Anne S. Magandi, Community and Development Section of HOACDD. Nakatuon ang mga naging diskusyon ukol sa mga karapatan at obligasyon ng mga homeowners at HOAs. Partikular na rito ang mga inamyendang polisiya na naglalahad ng kanilang mga mahahalagang tungkulin gaya ng pagpoproseso ng homeowners registration, maayos na pamamagitan at paglutas sa suliranin ng mga residente, at ang pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad.

Dito sa ating bayan, kaalaman at kaunlarang panlahat, ating tututukan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 10, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Mga prusisyon sa Kuwaresma 2025

Sa ating taimtim na paggunita sa panahon ng Kuwaresma ngayong taon, pansamantalang ipatutupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ilang mga kalsada sa ating bayan upang magbigay daan sa ilang mga prusisyon na pangungunahan ng iba't ibang mga simbahan.

Narito ang schedule ng mga prusisyon kada simbahan:

⛪️ 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐡𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐨𝐟 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐀𝐫𝐚𝐧𝐳𝐚𝐳𝐮
April 14, 2025 - 7:00PM to 10:00PM
April 16, 2025 - 7:00PM to 10:00PM
April 18, 2025 - 5:00PM to 8:00PM
April 20, 2025 - 3:00AM to 5:00AM

❗️ Babagtasin ng prusisyon ang mga kalsada ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, Brgy. Malanday, at pabalik ng NSDA.

⛪️ 𝐒𝐭𝐚. 𝐂𝐞𝐜𝐢𝐥𝐢𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡
April 14, 2025 - 6:45AM to 10:00AM
April 16, 2025 - 6:45PM to 10:00PM
April 18, 2025 - 5:45PM to 9:00PM
April 20, 2025 - 4:00AM to 5:00AM

❗️ Babagtasin ng prusisyon ang mga kalsada ng Brgy. Maly, Brgy. Guinayang, Brgy. Malanday, Brgy. Burgos sa Montalban, at pabalik ng Sta. Cecilia Parish.

⛪️ 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡
April 16, 2025 - 7:00PM to 10:00PM
April 18, 2025 - 5:00PM to 8:00PM
April 20, 2025 - 4:00AM to 6:00AM

❗️ Babagtasin ng prusisyon ang mga kalsada ng Brgy. Ampid I at II at pabalik ng San Jose Parish.

Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 10, 2025

PABATID | LYDO Call for Youth and Youth-serving Organizations sa San Mateo, Rizal

Tinatawagan ang mga samahan ng kabataan sa ating bayan!

Binubuksan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office ang isang registration para sa mga youth at youth-serving organizations sa San Mateo, Rizal na nagnanais maging bahagi ng pagsulong at pag-unlad ng sektor ng kabataan! Sa inyong pagpaparehistro sa LYDO, sari-saring mga oportunidad pa ang maaaring magbukas para sa inyong organisasyon gaya ng pagiging rehistrado rin sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission (NYC), at pagiging kabilang din sa Local Youth Development Council (LYDC).

Bigyang boses ang adbokasiya ng inyong organisasyon! Bigyang boses ang mga kabataang naglalayong itaguyod ang pamamahalang konsultatibo at mapagpalahok! Magparehistro na kabataan! https://forms.gle/mUGpYbWvLBTiDm5X8
https://forms.gle/mUGpYbWvLBTiDm5X8 https://forms.gle/mUGpYbWvLBTiDm5X8

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 8, 2025

PAGGUNITA | Araw ng Kagitingan 2025

Ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ay nakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-9 ng Abril 2025. Sa araw na ito, sama-sama tayong magbigay pugay sa ipinamalas na tapang at sakripisyo ng ating mga kababayang sundalo para sa bansa noong ikalawang digmaang pandaigdig— isang paalala na ang ating tinatamasang kalayaan ay bunga ng kanilang walang kapantay na paglilingkod. Nawa’y patuloy silang magsilbing inspirasyon sa bawat isa sa atin sa pagtataglay ng diwang makabayan sa puso at isipan.

#SanMateoRizalPIO

#SanMateoRizalLGU
(Caption written by V. Agramon)


April 8, 2025

TINGNAN | Moving Up Ceremony ng mga ECCD Learners sa San Mateo, Rizal

Malugod na bumabati ang Pamahalaang Bayan ng maligayang pagtatapos sa ating mga bibo at masisiglang mga ECCD ( Early Childhood Care and Development) Learners. Idinaos ang Moving Up Ceremony ng 3,001 ECCD Learners ng ating bayan simula nitong ika-1 hanggang ika-4 ng Abril 2025 sa San Mateo Municipal Stadium. Sinaksihan ito nina Acting Municipal Mayor Grace Diaz , Municipal Administrator Henry Desiderio, at ng mga kapitan at kinatawan ng mga barangay.

Muli, congratulations sa inyo mga chikiting at sa inyong mga proud parents!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 8, 2025

TINGNAN | Feeding Program sa San Mateo Rizal Municipal Dog Pound handog ng mga mag-aaral ng PLMAR

Nagsagawa ng feeding program para sa mga aso’t pusang nananatili sa ating dog pound ang mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar:) nitong nakaraang Sabado, ika-5 ng Abril 2025. Bunsod ito ng kanilang pakikipagtulungan sa San Mateo Rizal Animal Welfare Office at sa Sanguniang Kabataan (SK) ng Brgy. Dulong Bayan I.

Nanggaling na rin sa ating dog pound ang mga college students mula sa San Mateo Municipal College at Far Eastern University - Lamuan, Marikina na hindi lang nagpakain at nagpamahagi ng mga dog at cat food, kung hindi naglinis din ng mga kulungan ng hayop.

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa mga kabataang ito na nagpamalas ng pagkakawanggawa at malasakit sa mga aso’t pusang kinukupkop ng Municipal Dog Pound. Nawa’y pamarisan kayo ng inyong kapwa kabataan at ng publiko sa pagkakaroon ng mapagkalingang puso para sa ating mga fur babies!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 7, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng DPOS

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Vice Mayor Jojo Juta. Bilang host department, iniulat ng Department of Public Order and Safety (San Mateo Dpos) ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Sa pagtupad ng DPOS sa kanilang mandato na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan, patuloy lamang ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng mga aktibidad na gaya ng clearing operations, pagtatalaga ng mga DPOS personnel sa iba’t ibang mga municipal-wide events, pag-alalay sa operasyon ng Philippine National Police, Highway Patrol Group, at Land Transportation Office.

Pagkatapos ng kanilang pag-uulat ay nagkaroon ng turnover ceremony para sa mga water dispensers na ipapamahagi ng San Mateo Business Club na tinanggap naman ng mga punong barangay. Sumunod dito ang pagkilala sa ating mga kabataang atleta na lumahok sa Araw ng Dabaw Arnis Tournament at sa Governor’s Cup: Inter-Town Basketball Tournament. Maraming salamat sa inyong mga kaloob, San Mateo Business Club, at isang mainit na pagbati naman para sa ating mga manlalaro!

Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 7, 2025

TINGNAN | Streamlined Migration Symposium para sa mga graduating students ng SMMC

Sa pangunguna ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office, ginanap ngayong araw ang Streamlined Migration Symposium sa ating municipal stadium na dinaluhan ng higit sa 170 mga graduating students ng San Mateo Municipal College. Bilang mga tagapagsalita, pinadaloy nina OFW Federation President Ptr. Teresita Broqueza, Ptr. Allan Alicando ng Global Filipino Movement, at OWWA Rizal Provincial Supervisor Rachel Molino ang mga naging talakayan na nakasentro sa maayos na paghahanda at pagpaplano sakaling naisin nilang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Maraming salamat sa ating mga inimbitahang speakers at sa mga volunteers na nakibahagi sa pagsasakatuparan ng programang ito— San Mateo Rizal OFW Federation, Movement for Moral Transformation San Mateo, at Global Filipino Movement.

Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at kahusayan ang handog sa mga kabataan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 7, 2025

TINGNAN | Completion Ceremony ng Batch 6 ng CBDRP graduates

Ginanap nitong Sabado, ika-5 ng Abril 2025, ang pagtatapos ng ikaanim ng batch ng ating mga Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) enrollees. Pinangunahan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) ang makabuluhang seremonya na ito kung saan 29 na mga graduates ang tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos.

Muli, isang malugod na pagbati ng maligayang pagtatapos para sa ating Batch 6 CBDRP graduates! Hangad ng Pamahalaang Bayan ang inyong patuloy na paglago bilang mga produktibo at progresibong mamamayan ng ating bayan.

Dito sa San Mateo, suporta at kalinga ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 7, 2025

TINGNAN | Completion Ceremony ng Batch 6 ng CBDRP graduates

Ginanap nitong Sabado, ika-5 ng Abril 2025, ang pagtatapos ng ikaanim ng batch ng ating mga Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) enrollees. Pinangunahan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) ang makabuluhang seremonya na ito kung saan 29 na mga graduates ang tumanggap ng sertipiko ng pagtatapos.

Muli, isang malugod na pagbati ng maligayang pagtatapos para sa ating Batch 6 CBDRP graduates! Hangad ng Pamahalaang Bayan ang inyong patuloy na paglago bilang mga produktibo at progresibong mamamayan ng ating bayan.

Dito sa San Mateo, suporta at kalinga ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 6, 2025

BALIKAN NATIN | Low-cost Kapon sa Brgy. Ampid I

Sa patuloy na pagtutulungan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, San Mateo Rizal Animal Welfare Office, at Stray Neuter Project, higit sa 100 mga fur babies ang nakapagpakapon sa mababang halaga noong nakaraang buwan sa Brgy. Ampid I. Dito’y nagkaroon din ng libreng bakunahan kontra rabies.

Maraming salamat, Stray Neuter Project, sa inyong tulong sa aming mga fur parents at fur babies!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 5, 2025

Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan sina Bb. Shereenia Mae Valerio at Bb. Alyssa Mildred Villariña sa kanilang pagiging kabilang sa opisyal na mga kandidatang magtatagisan ng husay, talino, at ganda sa Binibining Pilipinas 2025!

Soar high and go for the crown, mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 4, 2025

BALIKAN NATIN | Drug symposium at Information, Education, and Communication Campaign ng SAMMADAC

Inilunsad ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) noong nakaraang buwan ng Marso ang serye ng mga drug symposium at IEC campaigns sa iba’t ibang mga paaralang elementarya sa ating bayan. Maraming salamat sa lahat ng mga Grade 6 students na aktibong nakibahagi sa ating aktibidad na naglalayong bigyang kaalaman ang mga kabataan ukol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa mga tao at sa lipunan.

Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

(Photos courtesy of SAMMADAC)


April 4, 2025

BALIKAN NATIN | 2025 National Women’s Month: Serbisyo para kay Teacher Juana

Isang espesyal na “Pamper Day” ang inihandog ng Tanggapan ng Punongbayan at ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office nitong Marso para sa mahigit 150 kababaihang guro mula sa mga pampublikong paaralan sa ating bayan. Sari-saring libreng serbisyong pamparelax gaya ng manicure at pedicure, haircut, hair treatment, at massage therapy ang ating inihatid sa kanila. Dito’y nagpaabot din ng makabuluhang mensahe para sa mga guro si Acting Municipal Mayor Grace Diaz .

Nagpupugay ang Pamahalaang Bayan sa dedikasyon at makabuluhang papel ng mga kababaihan at mga kaguruan sa ating lipunan. Dito sa ating bayan, may libreng serbisyong handog para sa’yo, kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 3, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-3 ng Abril, hanggang bukas, ika-4 ng Abril 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-6 ng umaga. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang EMERGENCY LEAK REPAIR ng Manila Water sa:

- Jose F. Diaz, Brgy. Ampid I

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Ampid I

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


April 3, 2025

BALIKAN NATIN | Community-Based Rehabilitation Program ng MSWDO

Naglunsad ng 2-day Community-Based Rehabilitation Program ang ating Municipal Social Welfare and Development Office at ang San Mateo Rizal Federation of Disabled Person, Inc. (SMRFDPI) noong nakaraang buwan ng Marso na ginanap sa New MDRRMO Building. Dinaluhan ito ng mga PWD Federation Officers, mga barangay kagawad sa Committee on Health ng ating mga barangay, at mga Barangay Health Workers (BHWs). Narito rin si Acting Municipal Mayor Grace Diaz na nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa programa.

Nagsilbing tagapagsalita rito si G. Rizalio Sanchez na dating hepe ng Information, Education, and Communication Division sa National Council on Disability Affairs. Sa pamamagitan ng naturang programang, nais ng Pamahalaang Bayan na bigyan ng ibayong kakayahan ang ating mga kababayang bahagi ng PWD sector upang mapaunlad ang kanilang mga sarili, na magiging daan din sa kanilang pagpapaunlad ng ating bayan at bansa.

Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 2, 2025

PABATID | Filing of Annual Income Tax Returns

Pinapaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ating mga kababayang tax payers na mag-file na ng kanilang Annual Income Tax Returns (AITR) bago pa man ang deadline ng filing nito sa ika-15 ng Abril 2025. Ito ay upang matiyak na banayad at mapayapa ang inyong magiging filing process at para maiwasan na rin ang pagkakaroon ng multa dahil sa late filing.

Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 2, 2025

BALIKAN NATIN | Streamlined Migration Symposium hatid ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office

Higit sa 400 mga graduating Grade 12 students ng San Mateo Senior High School ang dumalo sa ginanap na Streamline Migration Symposium noong nakaraang buwan ng Marso. Nagsilbing resource speakers sina Ptr. Allan Alicando, manager ng Global Filipino Movement - Government Partnership Department at Ptra. Terry Broqueza, presidente ng San Mateo OFW Federation. Dumalo rin dito sina Acting Municipal Mayor Grace Diaz , OWWA CALABARZON Regional Director Rosario Burayag, OWWA Rizal Provincial Supervisor Rachel Molino, Rizal Family Welfare Officer Jen Jumbas.

Sa pamamagitan ng programang ito, ninanais ng ating Pamahalaang Bayan na ihanda at bigyan ng mga pauna at mahahalagang kaalaman ang ating mga kabataan ukol sa paghahanapbuhay sa ibang bansa.

Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at kahusayan ang handog sa mga kabataan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 2, 2025

TINGNAN | Women’s Night: Zumba para kay Juana 2025

Humataw sa sayawan ang mga kalahok ng Women’s Night: Zumba para kay Juana nitong ika-29 ng Marso 2025 sa Brgy. Ampid I Covered Court, bilang kulminasyon ng selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Kababaihan sa ating bayan. Sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz at ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, ipinamalas ng mga Juana ng San Mateo ang kanilang galing sa pagsayaw sa pamamagitan isang makulay na Zumba performance.

Mula sa mga grupong aktibong nakilahok, itinanghal na kampeon ang Silangan Grooves. Wagi naman bilang 1st Runner-up ang Señoritas Sta. Ana, habang second runner up naman ang Ampid Movers.

Isang pagpupugay sa lahat ng nakiisa at nakisaya sa makabuluhang pagdiriwang na ito! Maraming salamat din sa ating mga panauhin mula sa Live Love Party at Amigoz East Five. Basta sayawan ang usapan, hindi papatalo ang mga taga-San Mateo diyan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 1, 2025

TAMPOK SA SAN MATEO | Primablend Bake Shop

📍 Primablend Bake Shop
🏠 325 General Luna St., San Mateo, Rizal
📞 941-7446

Craving ka ba ng cake, donuts at iba pang baked goods? Mga tinapay at iba pa, meron niyan dito sa Primablend Bake Shop! Para sa natatanging timpla at linamnam ng mga bread and pastry na talaga namang mula sa ating bayan, halina sa Primablend Bake Shop at tikman ang sari-saring mga pagkain mula rito. At dahil maaari na ring mag-dine-in sa kanila, ‘wag mo nang palampasin ang kanilang mga bestsellers gaya ng Halo-Halo, Leche Flan, at Chicken Pie!

Maraming salamat, Gob. Nina Ynares, sa pagtatampok ng isa sa aming mga lokal na establisyimento na proudly Pinoy at proudly tatak San Mateo!

Primablend Bake Shop—authentic na sarap at lasang tinatangkilik sa Bayan ng San Mateo simula pa noong 1970!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 1, 2025

Nagluluksa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal sa pagpanaw ni Kapitan Magdaleno “Dennis” Trono, Jr., punong barangay ng Brgy. Sto. Niño. Maraming salamat Kap. Dennis sa iyong buhay na inilaan para sa paglilingkod sa iyong barangay at sa ating bayan.

Nakikiramay ang ating lokal na pamahalaan sa mga mahal sa buhay ng namayapang kapitan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


April 1, 2025

TINGNAN | Mobile Blood Donation sa Brgy. Banaba hatid ng MHO

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Vice Mayor Jojo Juta. Bilang host department, iniulat ng Legal Office ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyong legal, kabilang na ang pagpapayo, pagbabalangakas ng mga legal na dokumento, at pagrepresenta ng ating Pamahalaang Bayan sa mga korte. Nakipag-ugnayan din sila sa COMELEC upang matiyak na hindi makakaapekto ang panahon ng kampanyahan sa pagseserbisyo ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan ng San Mateo.

Pagkatapos ng kanilang pag-uulat, pinangunahan ng San Mateo Fire Station ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga nagwagi sa sari-saring mga patimpalak na inilunsad ng kanilang tanggapan ngayong Fire Prevention Month. Kanila ring ginawaran ng sertipiko si Mayora Grace bilang pasasalamat sa kaniyang ibinigay na suporta sa pagdaraos ng kanilang mga naging aktibidad.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 31, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Legal Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Vice Mayor Jojo Juta. Bilang host department, iniulat ng Legal Office ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyong legal, kabilang na ang pagpapayo, pagbabalangakas ng mga legal na dokumento, at pagrepresenta ng ating Pamahalaang Bayan sa mga korte. Nakipag-ugnayan din sila sa COMELEC upang matiyak na hindi makakaapekto ang panahon ng kampanyahan sa pagseserbisyo ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan ng San Mateo.

Pagkatapos ng kanilang pag-uulat, pinangunahan ng San Mateo Fire Station ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga nagwagi sa sari-saring mga patimpalak na inilunsad ng kanilang tanggapan ngayong Fire Prevention Month. Kanila ring ginawaran ng sertipiko si Mayora Grace bilang pasasalamat sa kaniyang ibinigay na suporta sa pagdaraos ng kanilang mga naging aktibidad.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 31, 2025

BALIKAN NATIN | “Kwentuhan sa CDC: Halina’t Makisaya, Makinig at Bumasa” Activity

Nagtipon ang 50 child learners para sa isang storytelling activity na pinangasiwaan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office at ng Early Childhood Care and Development (ECCD) ngayong buwan sa ating National Child Development Center. Dito’y nagsilbing isang storyteller si Acting Municipal Mayor Grace Diaz at kaniyang binasa sa mga batang mag-aaral ang kuwentong “Papel de Liha” ni Ompong Remigio.

Ang programang ito ay bahagi ng taunang paglulunsad ng Kamp Bulilit Program ng ECCD Council upang suportahan at isulong ang mga programa at serbisyong handog nila sa mga bata at komunidad. Kabilang dito ang naturang aktibidad kung saan binibigyang pagpapahalaga ang pagbabasa at ang pangkalahatang pagpapaunlad nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Dito sa ating bayan, ang pagkatuto at kaalaman ay hinuhubog para sa ating mga chikiting!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 31, 2025

PABATID | Kumpisalang Bayan 2025

Tinatawagan ang ating mga kadambana!

Gaganapin bukas ng Martes, ika-1 ng Abril 2025, ang Kumpisalang Bayan sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu. Magsisimula ito sa Banal na Misa ng alas-6 ng gabi na susundan naman ng kumpisalang bayan sa ganap na alas-7 ng gabi. Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makibahagi rito at gawing mas makabuluhan ang ating mataimtim na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

#AranzazuEvents #Kuwaresma2025 #KumpisalangBayan2025 #JubileeYear2025 #PilgrimsOfHope

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 31, 2025

PAGDIRIWANG | Pagtatapos ng Ramadan

Eid Mubarak!

Malugod na nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa mabiyayang pagdiriwang ng Eid al-Fitr ng ating mga kapatid na Muslim ngayong araw. Nawa’y maging mapagpala at mamayani ang diwa ng pagkakaisa sa inyong pamilya at komunidad!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

(Photos courtesy of Imam Ustadh Abol Unacan Sultan Dimasangcay)


March 28, 2025

BALIKAN NATIN | Project Bigkis Kabataan hatid ng LYDO

Aktibong nakibahagi ang higit sa 170 mga youth volunteers, Sangguniang Kabataan (SK) officers, at lider-kabataan ng iba’t ibang youth organizations sa isinagawang 2-day forum at proposal writing workshop na pinamagatang “Project Bigkis Kabataan”, sa ilalim ng Hirayang Kabataan - Youth Empowerment Program. Sari-saring aktibidad at pagsasanay ang inihandog ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office na nakatuon sa paglikha ng mga solusyon sa mga napapanahong suliranin ng mga kabataan at pagbuo ng mga mungkahing proyekto na tutugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad.

Nagsilbing keynote speakers dito sina ng House of Representatives - Akbayan Partylist Rep. Percival V. Cendaña at National Youth Commission Executive Director Leah T. Villalon. Samantala, nagkaroon din dito ng panel discussion na pinangunahan naman nina Provincial Youth Development Officer Atty. Angelica A. Bernardo, San Mateo LGU Chief of Staff Mixie Rivera, NYC Sangguniang Kabataan (SK) Secretariat G. Cliford Natividad, at G. Nestie Bryal C. Villaviray, Project Manager ng Center for Youth Advocacy and Networking and Networking. Narito rin sina Acting Municipal Mayor Mary Grace Diaz at Municipal Administrator Henry Desiderio na kapwa nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa mga makabuluhang programa na inilulunsad ng ating LYDO.

Muli, maraming salamat sa nakibahagi sa ating forum and proposal writing workshop! Dito sa ating bayan, pinalalakas ang boses at kakayahan ng kabataan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 28, 2025

TINGNAN | Fur Babies’ Day Out 2025

Isinagawa kahapon, ika-27 ng Marso 2025, ang Fur Babies’ Day Out kung saan libreng mga serbisyo gaya ng anti-rabies vaccination, deworming, at check-up ang magkatuwang na inihatid ng ating Provincial Veterinary Office, San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, at San Mateo Rizal Animal Welfare Office. Higit sa 1000 mga fur babies ang nahandugan ng mga naturang serbisyo magmula sa Brgy. Ampid I Covered Court na siyang nagsilbing main venue, hanggang sa iba pang mga extension locations sa Brgy. Ampid II at Brgy. Banaba.

Maraming salamat sa Provincial Veterinary Office at sa mga fur parents na dumalo at nakibahagi sa aktibidad na ito! Bayan ng San Mateo, bayang may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 27, 2025

BALIKAN NATIN | Community-Based Livelihood Training on Perfume Making handog ng PESO

Magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office at San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office ngayong buwan ang pagsasagawa ng Community-Based Livelihood Training on Perfume Making sa ating municipal stadium. Mahigit 70 solo parents ang nabahagian ng kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga pabango hatid ni Bb. Shane R. Parreño na mula sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA). Bukod dito ay tumanggap din sila ng perfume kits para sa kanilang panimulang pagnenegosyo.

Samantala, nagpaabot naman si Acting Municipal Mayor Grace Diaz ng mensahe ng pasasalamat at pagsuporta sa programa para sa lahat ng mga lumahok, nagsanay, at mga tanggapang nangasiwa sa paglulunsad nito.

Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at oportunidad ang handog sa’yo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 27, 2025

Isang malugod na pagbati para sa 2025 RAAM Medalists ng ating bayan, San Mateo, Rizal!

Tagumpay na nakapag-uwi ang ating mga manlalaro sa paaralang elementarya at sekondarya ng bronze, silver, at gold medals sa sari-saring mga sports events sa katatapos lamang na Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2025. Hanga ang Pamahalaang Bayan sa inyong tatag, dedikasyon, at natatanging pagmamahal sa isports. Maraming salamat din sa masigasig ninyong mga guro at tagapagsanay na nakaagapay sa inyong pag-eensayo at patuloy na paglago bilang mga atleta ng ating bayan.

Muling pinatunayan ng ating mga kabataan na basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 27, 2025

HAPPENING NOW | Libreng Pap smear para sa mga kababaihang PWD

Ginaganap ngayong araw ang kauna-unahang libreng Pap smear para sa mga kababaihang PWD sa tanggapan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng ating Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office, at ng San Mateo Rizal Federation of Disabled Persons, Inc. (SMRFDPI).

Bayan ng San Mateo, bayang sa iba’t ibang sektor may inihahandog na serbisyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 27, 2025

PAGBATI | San Mateo Rizal, Good Financial Housekeeping Passer para sa CY 2024

Kabilang ang ating bayan ng San Mateo sa mga bayan sa lalawigan ng Rizal na pumasa sa Good Financial Housekeeping (GFH) para sa taong 2024! Sa pamamagitan ng GFH Program, binibigyang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na nagpapamalas ng maayos, malinaw, at epektibong pamamahala sa kaban ng bayan.

Ang ating pagkakapasa rito ay isang indikasyon na patuloy ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtataguyod ng isang mapagkakatiwalaang sistema ng pangangasiwa ng ating mga pondo. Maraming salamat sa pagpapagal ng bawat isa, partikular na sa Local Finance Committee ng Pamahalaang Bayan!

Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan ang handog sa iyo!

#GFH2024

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity materials courtesy of DILG Rizal Province


March 26, 2025

TINGNAN | San Mateo Rizal Women’s Night: Parangal para kay Juana

Bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga kababaihan sa ating bayan, pinangunahan ng San Mateo Rizal Gender and Development Office katuwang ang Local Council of Women (LCW) ang pagdaraos ng “Women’s Night: Parangal para kay Juana” nitong Linggo, ika-23 ng Marso 2025 sa Estancia De Lorenzo. Nagsilbi rin itong kulminasyon ng naging pagdiriwang ng National Women’s Month sa ating bayan ngayong taon. Dito’y ginawaran ng pagkilala ang ating mga natatanging kababaihan na nagpamalas ng husay at dedikasyon sa iba’t ibang mga larangan at nagsisilbi ring inspirasyon sa ating mga kababayan.

Naghandog ng espesyal na mensahe para sa awardees at mga dumalo si Acting Municipal Mayor Grace Diaz . Kaniyang binigyang diin ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga programang nagtataguyod ng gender equality at pagpapalakas ng papel at boses ng kababaihan sa ating lipunan.

Isang pagpupugay para sa lahat ng Juana ng Bayan ng San Mateo. Dito sa ating bayan, ating tututukan ang kapakanan ng kababaihan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 26, 2025

TINGNAN | Bayan ko, Titser ko Culminating Activity

Isinagawa noong ika-20 ng Marso 2025 ang Culminating Activity ng Bayan Ko, Titser Ko Program sa Justice Vicente Santiago Elementary School, kung saan mahigit 100 na mag-aaral mula sa Batch 1 at 2 ang matagumpay na nagtapos sa isang buwang remedial classes sa tulong ng mga volunteer tutors mula sa ANGAT SAN MATEO at San Mateo Municipal College.

Matatandaang inilunsad ang programang ito noong Hunyo ng nakaraang taon bilang tugon sa pangangailangang palakasin ang literacy o kakayahang magbasa’t magsulat ng mga batang mag-aaral. Sa kasalukuyan, mahigit 300 estudyante na ang matagumpay na nagtapos mula sa pito pang Community Learning Hubs sa iba't ibang pampublikong paaralan sa ating bayan. Dumalo at nagbahagi naman ng mensahe ng suporta at pasasalamat para sa programan sina Acting Municipal Mayor Grace Diaz , SMMC President Dr. Reldino R. Aquino, Angat San Mateo Chairperson Ms. Qwyn Rivera, JVSES School Head Cynthia Tompong, at ang mga kinatawan mula sa Angat Buhay na sina G. Patrick Manuel, Bb. Kai Jagape, Bb. Grem Montada,, at. upang ipahayag ang kanilang suporta sa programang naglalayong palakasin ang edukasyon sa ating bayan.

Hangad ng Pamahalaang Bayan na tiyaking walang batang maiiwan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay. Muli, maraming salamat sa Angat Buhay sa suportang inyong ipinapaabot sa aming mga mag-aaral!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

*Ang mga batang nasa litrato ay kinunan nang may consent/kaukulang pahintulot bago ihayag sa FB page ng San Mateo LGU.


March 26, 2025

PABATID | Mobile blood donation activity ng MHO

Gaganapin bukas ng Huwebes, ika-27 ng Marso 2025, ang isang bloodletting activity sa Doña Pepeng Covered Court sa Brgy. Banaba na pangungunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office. Magsisimula ito ng alas-8 ng umaga at magtatapos naman ng alas-12 ng tanghali.

PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:

1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 26, 2025

ANUNSIYO PUBLIKO | Walang Pasok!

Idineklara bilang isang REGULAR HOLIDAY ang ika-1 ng Abril 2025, araw ng Martes, sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 839, s. 2025. Ito ay bilang pakikiisa sa maligaya at mabiyayang selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng ating mga kapatid na Muslim.

Eid mubarak!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 25, 2025

TINGNAN | Gender Sensitivity Training for Male Spouses hatid ng Gender and Development Office

Sa ating patuloy na pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month, isinagawa noong ika-21 ng Marso 2025 ang Gender Sensitivity Training for Male Spouses na pinangunahan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Dinaluhan ito ng mahigit 200 kalalakihang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nagsilbing guest speakers sina Police Senior Master Sergeant (PSMS) Elinor B. Mina mula sa Women and Child Protection Desk, gayundin sina Frances D. Modesto, Jomari F. Cabana, at Dennis R. Ergina mula sa Department of Social Welfare and Development. Layunin ng programang ito na bumuo ng komunidad na malaya sa karahasan at hikayatin ang mga kalalakihan na maging aktibo sa pagtataguyod ng gender equality sa loob at labas ng kanilang tahanan.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na isulong ang mas inklusibong komunidad sa pamamagitan ng mga programang humuhubog ng malalim na pag-unawa sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Dahil ang bayan ng San Mateo, bayang handog ay kaalaman sa ating mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 25, 2025

PABATID | Women’s Night: Zumba para kay Juana

Tinatawagan ang mga kababaihan ng ating bayan!

Bilang pagtatapos ng ating selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Kababaihan, magkatuwang na ilulunsad ng Tanggapan ng Punongbayan, sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Grace Diaz , at ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office ang "Women’s Night: Zumba para kay Juana"! Gaganapin ito ngayong Sabado, ika-29 ng Marso 2025, sa Brgy. Ampid I Covered Court, simula alas-4 ng hapon. Halina’t sumali sa patimpalak na ito at ipakita ang husay ng inyong barangay sa pagzu-Zumba!

Narito ang mga panuntunan:

✅ Bukas ito sa mga kababaihang nasa edad 18 taong gulang pataas.
✅ Kailangang bumuo ng grupo na mayroong 30 tao/miyembro.
✅ Dapat ay nasa 3-5 minuto lamang ang haba ng pagtatanghal.
✅ Bawat grupo ay kinakailangang makapagsumite sa tanggapan ng GAD ng endorsement letter mula sa kanilang barangay bago sumapit ang ika-27 ng Marso 2025 (Huwebes).
✅ Isang grupo lamang kada barangay maaaring sumali.
✅ Ipinagbabawal ang probokatibo at hindi akmang pagtatanghal at kasuotan. Hahantong ito sa diskwalipikasyon ng grupo.

Mayroong mga papremyong naghihintay sa mga magwawaging grupo! Makatatanggap din ng 30 Zumba T-shirts ang bawat grupong tagumpay na makakasali sa patimpalak na ito.

Sali na sa Women’s Night: Zumba para kay Juana, kababayan! Sayawan na!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 25, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Road hazard sa Batasan - San Mateo Bridge

Kasalukuyang sira ang aspalto sa expansion joint ng tulay na konektado sa San Mateo - Batasan Rd. Magkabilaang linya ng kalsada ang apektado nito kaya't inaabisuhan ang ating mga motorista na patungo ng Quezon City at San Mateo na magdahan-dahan sa pagmamaneho kapag papalapit na sa tulay.

Nakikipag-ugnayan na ang ating Department of Public Order and Safety (DPOS) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa pagsasaayos ng nasirang aspalto.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

(Photos courtesy of San Mateo Dpos)


March 25, 2025

PABATID | Fur Babies’ Day Out 2025

Papalapit na ang Fur Babies’ Day Out, mga kababayan! Ngayong Huwebes na ito, ika-27 ng Marso 2025, sa Brgy. Ampid I Covered Court! Magsisimula ito ng alas-9 ng umaga at magtatapos naman ng alas-3 ng hapon kaya dalhin na rito ang inyong mga alagang aso’t pusa!

🟢 Mga ihahandog na serbisyo rito:
✅ Libreng anti-rabies vaccination
✅ Libreng deworming
✅ Libreng check-up

📍 Extension locations para sa libreng anti-rabies vaccination:

✅ Kalayaan St., Zone 6, Brgy. Ampid I - 1:00 PM to 4:00 PM
✅ Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba - 9:00 AM to 12:00 PM
✅ Brgy. Ampid II Covered Court - 9:00 AM - 12:00 PM

‼️ PAGLILINAW ‼️

Anti-rabies vaccination lamang ang isasagawa sa tatlong (3) extension locations.

Dito sa San Mateo, may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


March 25, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-25 ng Marso, hanggang bukas, ika-26 ng Marso 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-5 ng madaling araw. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LINE METER REPLACEMENT ng Manila Water sa:

- Crisballi cor. Gen. Luna Ave.

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Guitnang Bayan I

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


March 24, 2025

PABATID | Aplikasyon para sa SPES/SEAP hatid ng PESO

Muling nating bubuksan ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students (SPES) at Student Employment Assistance Program (SEAP) kaya naman mga mag-aaral at out-of-school youth ng ating bayan…tinatawagan namin kayo!

Magtungo lamang sa tanggapan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) sa unang palapag ng ating Municipal Hall simula bukas, ika-25 ng Marso 2025, upang personal na magparehistro at magpasa ng aplikasyon para rito. Magdala rin ng kopya ng inyong resume at black ballpen, at maghanda para sa isang initial interview.

🔴 MAHALAGANG PAALALA: Hanggang ika-26 ng Marso 2025 lamang ang pagtanggap ng mga aplikasyon at limitado rin ang slots para sa mga mapipiling aplikante kaya apply na!

Dito sa ating bayan, oportunidad ang handog namin sa iyo!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


March 24, 2025

PABATID | Schedule for Social Pension Program Payout for Indigent Senior Citizens

[UPDATED]

Sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office, magkakaroon ng social pension payout simula bukas, ika-25 ng Marso hanggang ika-27 ng Marso 2025 (Martes hanggang Huwebes) sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan.

🔴 Requirements of Social Pensioners:
1. Photocopy of Senior Citizens ID with three (3) specimens/ signature/ thumb mark (back and front)

🔴 Requirements for Authorized Representative:
1. Accomplished/ Filled-up Authorization Letter with NO ERASURE (provided by the DSWD Field Office IV-CALABARZON and distributed prior to the payout schedule)
2. Photocopy of Senior Citizens ID with three (3) specimens/ signature/ thumb mark (back and front)
3. Photocopy of Valid ID/ Government-issued ID of the authorized representative valid within the current year (2024)
4. If under quarantine, photo of the social pensioner holding the Accomplished/ Filled-up Authorization Letter

🔴 Requirements for Deceased Social Pensioner:
1. Accomplished/ Filled-up Warranty Letter signed by the MSWDO and OSCA Head
2. Photocopy of the Death Certificate
3. Photocopy of Valid ID/ Government-issued ID of the claimant/ family member valid within the current year (2024)

Para sa schedule ng social pension payout, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 24, 2025

PABATID | Schedule for Social Pension Program Payout for Indigent Senior Citizens

[UPDATED]

Sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office, magkakaroon ng social pension payout simula bukas, ika-25 ng Marso hanggang ika-27 ng Marso 2025 (Martes hanggang Huwebes) sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan.

🔴 Requirements of Social Pensioners:
1. Photocopy of Senior Citizens ID with three (3) specimens/ signature/ thumb mark (back and front)

🔴 Requirements for Authorized Representative:
1. Accomplished/ Filled-up Authorization Letter with NO ERASURE (provided by the DSWD Field Office IV-CALABARZON and distributed prior to the payout schedule)
2. Photocopy of Senior Citizens ID with three (3) specimens/ signature/ thumb mark (back and front)
3. Photocopy of Valid ID/ Government-issued ID of the authorized representative valid within the current year (2024)
4. If under quarantine, photo of the social pensioner holding the Accomplished/ Filled-up Authorization Letter

🔴 Requirements for Deceased Social Pensioner:
1. Accomplished/ Filled-up Warranty Letter signed by the MSWDO and OSCA Head
2. Photocopy of the Death Certificate
3. Photocopy of Valid ID/ Government-issued ID of the claimant/ family member valid within the current year (2024)

Para sa schedule ng social pension payout, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 22, 2025

Happy birthday, Bokal JPB! Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Bokal John Patrick Bautista! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 22, 2025

TINGNAN | Glow and Go Bike Run for Earth Hour 2025

Bilang bahagi ng pandaigdigang pagdiriwang ng Earth Hour ngayong ika-22 ng Marso 2025, magkatuwang na pinangunahan ng SM City San Mateo at ng ating Pamahalaang Bayan ang pagsasagawa ng Glow and Go Bike Run. Mahigit 100 bikers mula sa ating bayan ang nagtipon at sama-samang nagbisikleta mula sa munisipyo hanggang SM City San Mateo.

Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng mga inisyatiba tulad ng paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa pangangalaga ng kalikasan at ng ating mundo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 22, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Bike Run for Earth Hour 2025

Magkakaroon ng bike run mamayang gabi, mula alas-7 hanggang alas-8, sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. (simula sa simbahan ng Nuestra Señora de Aranzazu papuntang SM City San Mateo). Ito ay bilang ating pagtalima sa obserbasyon ng Earth Hour ngayong taon.

Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at bigyang daan ang mga magbibisekleta. Huwag gamitin ang pinaka-kanang bahagi ng kalsada pa-Marikina.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 21, 2025

PABATID | Earth Hour 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pandaigdigang pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon. Sama-sama tayong magpatay ng ating mga ilaw mamayang 8:30 hanggang 9:30 ng gabi bilang pagpapakita ng ating suporta hindi lamang sa aktibidad na ito kung hindi maging sa panawagan ng World Wildlife Fund (WWF) na maging malay ang lahat sa kinahaharap na suliranin ng ating kapaligiran.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa pangangalaga ng kalikasan at ng ating mundo!

#EarthHour2025
#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


March 21, 2025

TINGNAN | San Mateo Fire Station Fire Olympics 2025

Muling nagbabalik ang taunang Fire Olympics ng San Mateo Fire Station! Ginanap ngayong araw ang Fire Olympics 2025 sa Brgy. Guitnang Bayan I kung saan nagtagisan ng galing ang ating mga emergency fire responders mula sa SM City San Mateo, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba’t ibang mga barangay sa ating bayan sa mga fire combat challenge na inihanda ng BFP-San Mateo Fire Station. Naglabanan ng husay, bilis, at pagiging alisto ang bawat kalahok sa palarong gaya ng Fire Extinguishment, Bucket Relay, at Busted Hose. Ibinida rin ng bawat koponan ang kanilang mga uniporme at sumabak naman sa rampahan at Q&A ang kanilang mga pambatong muse.

Pararangalan ang mga nagwaging grupo sa kulminasyon ng ating pagdiriwang ng Fire Prevention Month. Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi at matapang na kumasa sa hamon ngayong taon! Patuloy tayong makiisa sa malawakang panawagan ng Bureau of Fire Protection ukol sa kaligtasan sa sunog hindi lamang ngayong buwan ng Marso kung hindi maging sa tuwi-tuwina.

Dito sa bayan ng San Mateo, sa pag-iwas sa sunog, ‘di ka nag-iisa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 21, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Road and drainage project ng DPWH sa Brgy. Guitnang Bayan II

Magpapatupad ng STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Kambal Rd., mula Santo Rosario Memorial Park hanggang C6 Rd., simula ika-24 ng Marso hanggang ika-31 ng Oktubre 2025. Ito ay upang bigyang daan ang gagawing box culvert drainage ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang lugar.

Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa nabanggit na kalsada at tingnang mabuti ang mga heavy equipment at manggagawa sa daanan. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers ang iiistasyon sa naturang lugar para sa pag-alalay sa mga motorista.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


March 21, 2025

TINGNAN | Tree Planting Activity sa Estancia de Lorenzo

Kaakibat ng ating patuloy na pagdiriwang ng National Women’s Month, pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office at San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office ang isang tree planting activity ngayong araw, ika-21 ng Marso 2025, sa Estancia de Lorenzo sa Brgy. Gulod Malaya. Maagang nagtipon dito ang mga kababaihang kawani ng ating Pamahalaang Bayan at ang ilang mga mag-aaral at guro ng FEU Tech - Manila upang makibahagi sa pagtatanim ng 200 bamboo seedlings at mahigit 50 binhi ng puno ng langka.

Muli, maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at ating mga nakatuwang sa pagsasakatuparan ng makabuluhang aktibidad na ito! Bayan ng San Mateo, bayang katuwang mo sa pangangalaga ng kalikasan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 20, 2025

TINGNAN | Farmer field school sa Brgy. Pintong Bukawe kasama ang Philippine Coconut Authority at Rizal Cacao Growers Industry Council

Bilang espesyal na session ng Farmer Field School (FFS) Program na pinangungunahan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, bumisita ngayong araw ang mga kinatawan ng Philippine Coconut Authority (PCA) at Rizal Cacao Growers Industry Council sa Agri Demo Area ng FFS sa Purok 3, Brgy. Pintong Bukawe. Ibinahagi nina G. Allan George Gutierrez at G. Paul Henry Repato ng PCA at Rizal Cacao Growers Industry Council President Nancy Casco at G. Romeo Casco ang mga mahahalagang kaalaman ukol sa pagtatanim ng cacao at niyog. Inilatag din nila ang kanilang mga programa para sa ating mga upland farmers na tiyak makakaagapay at makapagtataguyod sa kanilang kabuhayan sa taniman.

Pagkatapos ng naging talakayan ay isinagawa naman ang turnover ceremony ng 1000 coconut seedlings sa 10 magsasaka na kuwalipikado nang tumanggap at magtanim ng niyog. Maraming salamat sa PCA at Rizal Cacao Growers Industry Council sa suportang ipinarating ninyo sa mga upland farmers ng aming bayan!

Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsisikap na isulong ang sektor ng agrikultura sa San Mateo. Sama-sama tayo tungo sa pangkalahatang kaunlaran!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 20, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-20 ng Marso, hanggang bukas, ika-21 ng Marso 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-5 ng madaling araw. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LINE METER REPLACEMENT ng Manila Water sa:

- kahabaan ng Daang Bakal Rd. cor. Patiis

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Guinayang, Brgy. Malanday, at Brgy. Maly

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


March 20, 2025

TINGNAN | Libreng Pap smear mula sa Municipal Health Office

Bilang bahagi ng pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng National Women’s Month, patuloy ang San Mateo Rizal Municipal Health Office sa paglulunsad ng libreng Pap smear, kung saan higit sa 30 mga kababaihan ang nagtungo sa ating Guinayang Health Center ngayong araw, ika-20 ng Marso 2025, para sa libreng serbisyo.

Layunin ng programang ito na makapaghandog ng mga serbisyong makatutulong sa pangangalaga ng kalusugan, partikular na sa reproductive health ng ating kababaihan, kaya naman abangan ang susunod na schedule sa inyong mga barangay!

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 20, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Mayor's Cup: Inter-Barangay Basketball Parade

Pangungunahan ng San Mateo Rizal Sports Development Office ang isang parada para sa Mayor's Cup: Inter-Barangay Basketball League ngayong Linggo, ika-23 ng Marso 2025, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.

Magsisimula ito sa munisipyo at babagtasin nito ang mga kalsada ng Hilario, P. Burgos, B. Mariano, Pelbel, Gen. Luna Ave., M.H. Del Pilar, Kambal, Daang Bakal Rd. at patungong San Mateo Municipal Stadium.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa ruta ng parada. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa naturang parada. Asahan ang maaaring pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 19, 2025

TINGNAN | Gawad pagkilala sa bayan ng San Mateo, Rizal mula sa NCCA

Ginawaran ng pagkilala ang ating bayan ngayong araw sa ginanap na Appreciation Luncheon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na idinaos sa Metropolitan Theater Ballroom, sa lungsod ng Maynila. Ang sertipiko ay tinanggap ng mga kawani ng Office of the Mayor at ng San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office na siyang nanguna sa pagsasagawa ng mga programang may kaugnayan sa selebrasyon ng arts month nitong Pebrero. Ang parangal na ito ay bilang pasasalamat sa aktibong pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining ngayong taon at sa patuloy nating pakikibahagi sa pagsulong ng sining at kulturang Pilipino.

Muli, maraming salamat sa lahat ng ating mga nakatuwang sa paglunsad ng mga programa nitong nagdaang buwan ng Pebrero! Sama-sama nating itaguyod ang pagpapayabong ng sining at kultura ng ating bayan ng San Mateo!

Mabuhay ang sining! Mabuhay ang bayang malikhain!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 19, 2025

TINGNAN | Anti-rabies vaccination sa Brgy. Guitnang Bayan I

Sari-saring mga lokasyon sa Brgy. Guitnang Bayan I ang pinagdausan ng libreng bakunahan kontra rabies ngayong araw. Maraming salamat sa lahat ng mga fur parents na nagdala ng kanilang mga alagang aso’t pusa sa ating mga vaccination sites.

Maging isang responsableng pet owner at makibahagi sa mga aktibidad na ito na hatid ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office at San Mateo Rizal Animal Welfare Office!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 19, 2025

PABATID | Murang bigas sa San Mateo, Rizal hatid ng Kadiwa ng Pangulo Program

Tara na sa San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office sa Brgy. Sta. Ana ngayong Biyernes, ika-21 ng Marso 2025, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, upang makapamili ng murang bigas! Magkakaroon din dito ng mini market kung saan maaaring bumili ng mga gulay, prutas, at iba pa sa murang halaga.

‼️ MAHALAGANG PAALALA ‼️

- First come, first served basis po ito kaya't magtungo na kaagad sa venue.

- Magdala ng inyong mga sariling eco bags.

- Hangga’t maaari ay maghanda na eksaktong halaga ng perang pambili.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 19, 2025

TINGNAN | Buntis Congress sa Brgy. Banaba

Sa pagpapatuloy ng serye ng Buntis Congress San Mateo Rizal Municipal Health Office, nagtipon ang halos nasa 100 mga buntis kahapon, ika-18 ng Marso 2025, sa Doña Pepeng Covered Court sa Brgy. Banaba para tumanggap ng libreng medical at dental service.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 18, 2025

PAGDIRIWANG | World Social Work Day 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng World Social Work Day ngayong araw. Ating kinikilala ang pagsusumikap at pagpapagal ng ating social workers sa pagtataguyod ng isang inklusibo at mapagmalasakit na pamayanan sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

Mabuhay ang lahat ng manggagawang panlipunan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 18, 2025

BALIKAN NATIN | Fire Prevention Orientation para sa mga ECCD learners

Isinagawa noong ika-11 ng Marso 2025 ang isang Fire Prevention Orientation sa La Mar Village Covered Court, Brgy. Guitnang Bayan II kung saan mahigit sa 400 mga ECCD learners mula sa Cluster 5 ng ating mga ECCD (Early Childhood Care and Development) Centers ang dumalo. Matapos ang maikling pagbabahagi ng San Mateo Fire Station ng kaalaman ukol sa pag-iwas sa sunog, sumabak sa isang hands-on activity ang mga munting mag-aaral. Dito’y ginabayan sila sa paghawak ng fire hose habang ito ay bumubuga ng tubig.

Isinagawa rin ang ganitong aktibidad sa iba’t ibang mga ECCD clusters sa ating bayan na aktibong nilahukan ng mga bata. Sa sama-samang pagtutulungan, masisiguro nating ligtas at handa ang bawat isa laban sa sakuna!

#FirePreventionMonth2025

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

(Ang mga inilabas na larawan ay mayroong pahintulot mula sa paaralan at sa mga magulang ng mga batang kinunan.)


March 18, 2025

TINGNAN | Free pet services sa Municipal Agriculture Office

Handog ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office ang libreng bakuna kontra rabies, libreng deworming, at libreng check-up para sa mga alagang aso’t pusa ng ating mga kababayan kada Martes at Huwebes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

🔴 PAALALA: Ang free pet services sa MAO ay para lamang sa BUWAN NG MARSO, kada Martes at Huwebes. Ito ay kaakibat ng ating selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 17, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng BPLO at Public Market

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Business Permits and Licensing Office at ng San Mateo Public Market. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Sinisikap ng pamunuan ng San Mateo Public Market ang pagpapanatili ng masagana, maayos, may pagkakapantay-pantay na Pamilihang Bayan. Bukod sa pagsiguro na dekalidad na mga produkto ang narito, kanila ring pinagbubuti ang pisikal na kalagayan ng bawat stall, mga daanan, at mga pasilidad.

Samantala, nakakakita naman ng pagtaas ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa porsyento ng mga nakokolektang bayarin, maging ang pag-usbong ng mga bagong negosyo sa ating bayan kung ikukumpara noong nakaraang taon. Sa pagpapatuloy ng ganitong mga pagtaas, aangat din ang bahagdan ng ating lakas paggawa— indikasyon ng patuloy na pagbuti ng lagay ng ekonomiya at komersiyo sa ating bayan. Sa dako naman ng Municipal Tricycle Franchising Regulatory Office (MTFRO), ipinapatupad ang Ordinansa Blg. 003, s. 2025. Sa pamamagitan nito, 2 taon na ang haba ng bisa ng prangkisa para sa mga pampublikong tricycle sa ating bayan.

Bukod sa mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan, dumalo rin sa ating flag raising ceremony ang mga bagong hirang na acting municipal councilors na sina Kgg. Jerry Cabanos, Kgg. Joven Larga, Kgg. Bong Libongco, Kgg. Ariel Manuel, Kgg. Herbert Monsalud, Kgg. Noel Pagkatipunan, Kgg. Stephen James Roxas, at Kgg. Butch Serfino. Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 17, 2025

BALIKAN NATIN | Buntis Congress 2025

Higit sa 70 buntis mula sa Brgy. Maly at Brgy. Guinayang ang dumalo sa unang Buntis Congress 2025 noong ika-11 ng Marso 2025, sa Bendia Covered Court, Brgy. Maly. Pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ang talakayan na may mga paksa ukol sa pangangalaga sa katawan habang nagbubuntis at pagkatapos manganak, Teenage Pregnancy, at HIV 101. Pagkatapos nito ay isinagawa naman ang HIV counseling at screening, at ang pamamahagi ng libreng buntis kits. Nagkaroon din dito ng libreng dental services gaya ng oral health care, oral prophylaxis (cleaning), at fluoride application.

Abangan ang mga susunod na nakatakdang schedule ng Buntis Congress sa inyong barangay! Dito sa ating bayan, may kalinga para sa mga ina at bata!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 15, 2025

HAPPENING NOW | BJMP Provincial Trade Fair 2025

Sari-saring mga gawang kamay na produkto, mayroon niyan dito sa BJMP Provincial Trade Fair! Tampok dito ang mga masining at natatanging produkto mula sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nasa pangangasiwa ng BJMP mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Rizal.

Halina kababayan at mamili na ngayong araw dito sa BJMP Provincial Trade Fair sa gilid ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 14, 2025

PABATID | Project Bigkis Kabataan handog ng LYDO

Tinatawagan ang mga kabataan ng ating bayan!

Nais mo bang makibahagi sa pagtukoy, pagbuo, at pagbalangkas ng mga programang maaring tumugon sa mga suliraning kinakaharap ninyo at ng inyong komunidad? Kung oo, halika na’t sumali! Exciting ‘to!

Inihahandog ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office, sa ilalim ng Hirayang Kabataan: San Mateo Youth Empowerment Program, ang Project Bigkis Kabataan: Youth-State-Civil Society Dialogue and Youth-Led Bottom-up Project Proposal Writing. Gaganapin ito sa ika-22 at ika-23 ng Marso 2025, sa Ciudad Christhia (9 Waves) Resort, Brgy. Ampid I. Bukas ito para sa lahat ng mga kabataang nais makiisa sa pagpapalakas ng boses ng kabataang sektor at sa paglikha ng solusyon. Narito ang registration link: https://forms.gle/7fEESg5CCQRiCfpL7

Magparehistro na at sama-sama tayong makinig at mapakinggan! Dahil ang kabataan ng Bayan ng San Mateo, may say sa pondo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of San Mateo LYDO


March 14, 2025

TINGNAN | Wall mural sa Pamilihang Bayan

In photos: Makukulay na wall mural ng San Mateo Art na tampok sa ating Pamilihang Bayan. Ipinapakita rito ang mga panindang mabibili natin sa ating public market gaya ng gulay at prutas, karne, at isda.

Ito ay bahagi ng beautification project o ang pagpapaganda ng anyo ng ating bayan. Layunin ng ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng ating Maintenance Unit na gawing mas maaliwalas, makulay, at kaaya-aya ang kapaligiran ng ating pamilihang bayan upang magdala ng atraksyon at ma-engganyo ang ating mamimili.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 14, 2025

BALITANG BAYAN | Vehicular accident sa Kambal Rd.

Isang nakatihayang itim na Toyota Hilux sa kahabaan ng Kambal Rd. malapit sa C6 Bypass Rd. at isang nakatumbang streetlight ang naabutan ng mga rumespondeng DPOS (Department of Public Order and Safety) personnel matapos makatanggap ng ulat ukol sa naturang aksidente bandang alas-2 ngayong hapon. Ayon sa inisyal na impormasyong nakuha ng mga rumesponde, nakatulog diumano ang driver ng sasakyan habang nagmamaneho. Nakita na lamang ang sasakyan na nakabaliktad na at katabi nito ang isa sa mga streetlight sa lugar na bali na ang ibabang parte.

Nai-turnover na ng DPOS ang ulat sa aksidente sa Philippine National Police (PNP) na siyang magsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ukol dito. Tumanggi namang magpadala sa ospital ang driver na maswerteng hindi nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan. Wala rin siyang sakay na pasahero sa pickup truck. Upang hindi na magbunsod ng pagbigat ng trapiko sa lugar, ipinahila na rin sa tow truck ang naturang sasakyan.

Manatiling alerto, bayan ng San Mateo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Photos courtesy of San Mateo Rizal MDRRMO and San Mateo Dpos


March 13, 2025

PABATID | BJMP Provincial Trade Fair 2025

Halina sa Provincial Trade Fair ng BJMP ngayong Linggo, ika-16 ng Marso 2025, sa harap ng National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu! Bukas ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali para sa lahat ng mga nais bumili at tumangkilik ng mga handcrafted products o gawang kamay na produkto ng mga PDL (Persons Deprived of Liberty) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

Binibigyang daan ng trade fair na ito hindi lamang ang pagtatampok ng pagkamalikhain ng mga PDL kung hindi maging ang pagpapaunlad pa ng kanilang mga natatanging kakayahan sa sining at paggawa. Sinusuportahan din nito ang kanilang rehabilitasyon at mga programang pangkabuhayan.

Halina’t bumisita at mamili sa BJMP Provincial Trade Fair, mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 13, 2025

TINGNAN | 1st Qtr. NSED 2025

Nagsilbing host venue ang San Mateo Municipal College (SMMC) - Guinayang Campus sa ginanap na unang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon. Sa bawat pagkakataon, masusing tinutukoy ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga lokasyon na naaangkop pagdausan ng ganitong aktibidad. Nagkakaroon dito ng mga dramatisasyon kung saan ipinapakita ang mga eksenang maaaring mangyari at dapat na paghandaan sa aktuwal na paglindol.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa ating 1st Quarter NSED ngayong araw, lalong higit sa pamunuan, kaguruan, at mga mag-aaral ng SMMC-Guinayang Campus at ng Guinayang National High School.

Bayan ng San Mateo, alerto tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 13, 2025

PABATID | 1st Qtr. NSED 2025

Makiisa sa malawakang pagsasagawa ng unang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon. Mamayang hapon na ito, simula alas-2 ng hapon.

Tandaan: Duck, cover, and hold, mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 12, 2025

TINGNAN | PinTara: Pinta na Kabataan ng San Mateo sa Brgy. Silangan

Isinagawa ang isang PinTara session ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office sa Brgy. Silangan nitong ika-8 ng Marso 2025. Higit sa 60 mga kabataan ang nakibahagi rito na masiglang nakinig sa naging talakayan at nakisaya sa aktuwal na paggawa ng kani-kanilang mga artworks. Sunod itong idinaos sa Brgy. Dulong Bayan II noong sumunod na araw at darating din sa iba pang mga barangay at komunidad sa paparating na mga buwan.

Maraming salamat sa lahat ng mga lumahok sa naganap na PinTara: Pinta na Kabataan ng San Mateo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 12, 2025

BALIKAN NATIN | Lakambini Sarhiya Workshop hatid ng GAD

PANSAMANTALANG ISASARA ang kahabaan ng JFD Rd. sa Brgy. Ampid I (mula sa tapat ng lumang barangay hall hanggang sa 7-Eleven) simula ngayong Biyernes, ika-14 ng Marso hanggang ika-21 ng Marso 2025. Sarado ang magkabilaang kalsada at hindi ito maaaring daanan ng LAHAT NG URI NG MGA SASAKYAN, maging ng mga motorsiklo at tricycle. Ito ay upang bigyang daan ang installation ng bagong cross drainage at reblocking dito ng Rizal Provincial Engineering Office.

Inaabisuhan ang mga apektadong motorista na gamitin ang mga sumusunod na alternatibong ruta:

✅ Dumaan sa C6 Batasan Bypass Rd. at kumaliwa sa Sta. Maria patungong Ampid Elementary School. Muling kumaliwa sa De Los Angeles St. at kumanan sa JFD Rd. patungo sa inyong destinasyon.
✅ Dumaan sa C6 Batasan Bypass Rd. at dumiretso ng 1.9km, kumaliwa sa JFD intersection pa-JFD Rd. at patungo sa inyong destinasyon.

Karagdagang mga traffic enforcers mula sa DPOS at Brgy. Ampid I ang iiistasyon sa naturang lugar para sa pag-alalay sa mga motorista at pedestrians. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS


March 11, 2025

BALIKAN NATIN | Lakambini Sarhiya Workshop hatid ng GAD

Kaakibat ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, pinangunahan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office ang paglulunsad ng Lakambini Sarhiya Workshop, katuwang ang Local Council of Women (LCW), noong ika-1 ng Marso 2025. Ginanap ito sa Sangguniang Bayan Session Hall kung saan higit sa 100 lider kababaihan, GAD focal persons, mga mag-aaral at guro ng iba’t ibang paaralan, at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon ang nagtipon para sa isang araw na pagsasanay na nakatuon sa pagtataas ng kamalayan at pagpapalakas sa kakayahan ng kababaihan.

Dumalo at nagbahagi ng mensahe ng pagsuporta sa programa sina Acting Mayor Grace Diaz at Municipal Administrator Henry Desiderio. Nagsilbing resource speakers naman dito sina G. Cris Anthony C. Gonzales, Artist/Teacher mula sa Philippine Educational Theater Association (PETA) at Direk Ellen Ongkeko-Marfil. Kanilang tinalakay ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at iba pang napapanahong isyu pangkababaihan sa ating pamayanan.

Dito sa ating bayan, ating tututukan ang kapakanan ng kababaihan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 11, 2025

PABATID | Fur Babies’ Day Out 2025

Tinatawagan ang mga kababayan nating fur parents! Dalhin at i-treat na ang inyong mga alagang aso’t pusa sa paparating na Fur Babies’ Day Out ngayong Marso 2025! Gaganapin ito sa covered court ng Brgy. Ampid I sa ika-27 ng Marso 2025, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Magkakaroon dito ng LIBRENG anti-rabies vaccination, deworming, at check-up para sa inyong mga alaga. Mayroon pang naghihintay na mga exciting freebies at raffle games!

But wait, there’s more pa mga kababayan! Hindi lamang sa Brgy. Ampid I Covered Court isasagawa ang Fur Babies’ Day Out dahil mayroon din tayong mga extension locations! Maaari rin kayong magtungo sa mga sumusunod na lugar para sa LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION:

✅ Kalayaan St., Zone 6, Brgy. Ampid I - 1:00 PM to 4:00 PM
✅ Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba - 9:00 AM to 12:00 PM
✅ Brgy. Ampid II Covered Court - 9:00 AM - 12:00 PM

‼️ PAGLILINAW:

Anti-rabies vaccination lamang ang isasagawa sa tatlong (3) extension locations.
Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng Provincial Veterinary Office, San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, at ng ating San Mateo Rizal Animal Welfare Office. Dito sa San Mateo, may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 11, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-11 ng Marso, hanggang bukas, ika-12 ng Marso 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-4 ng madaling araw. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LINE MAINTENANCE ng Manila Water sa:

- Kambal Rd. cor. Daang Bakal Rd.

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Guitnang Bayan II at Brgy. Dulong Bayan II

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Manila Water


March 11, 2025

PABATID | Senior Citizens’ Birthday Cash Gift Distribution Schedule for February and March 2025 birthday celebrants

Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office, at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants noong Enero 2025.

Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:

Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA

Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)

Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 10, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Bilang mga “tanod ng kalikasan” ng ating bayan, patuloy ang pagpupunyagi ng MENRO upang maisakatuparan ang kanilang mandato. Kabilang na rito ang regular na pagdalo sa mga pagpupulong kasama ang mga pambansa at panlalawigang ahensya, pagsumite ng mga dokumento at ulat, pagbalangkas at pag-update ng mga plano gaya ng 10-Year Solid Waste Management Plan at Local Shelter Plan, at pangunguna sa mga makakalikasang aktibidad gaya ng tree planting activities at clean-up drives. Natamo rin ng kanilang tanggapan ang markang 9/9 sa mga indicators para sa Seal of Good Local Governance ng DILG.

Bilang pangwakas naman ay nagpaabot ng espesyal na mensahe sina Congressman Jojo Garcia at si Acting Mayor Grace Diaz ukol sa masiglang pagsisimula ng araw ng Lunes at bagong linggo para sa lahat.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 8, 2025

TINGNAN | GAD Parada para kay Juana 2025

Daan-daang mga kababaihan at mga delegasyon mula sa iba’t ibang women at senior’s association, mga homeowners at neighborhood association, mga kawani ng mga pambansang ahensya, kawani ng ating Pamahalaang Bayan, at iba pang mga samahan ang nakibahagi sa isinagawang Parada para kay Juana ngayong araw. Nagsimula ito sa munisipyo at nagtapos naman sa Municipal Stadium kung saan sinaksihan ng lahat ang isang cultural dance mula sa Tribo Purok Kwatro ng Brgy. Silangan, poster making contest, labanan para sa Best Slogan, at ang pagtatanghal ng trailer ng “Lakambini” mula sa direksyon ng ating Gawad Parangal Awardee na si Direk Ellen Ongkeko-Marfil. Mayroon ding inihandog na libreng masahe, facial, at gupit ang The Fraternal Order of Eagles para sa mga dumalo.

Nagparating sina Acting Municipal Mayor Grace Diaz , San Mateo Rizal Gender and Development Office OIC Melanie Inton, at Local Council for Women (LCW) President Enriqueta Disuanco ng kanilang pasasalamat para sa lahat ng mga nakiisa at ating nakatuwang sa pagsasakatuparan ng makabuluhang aktibidad na ito.

Muli, maligayang buwan ng mga kababaihan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 8, 2025

PABATID | Low-cost Kapon at Free Anti-rabies Vaccination sa San Mateo, Rizal

Pangungunahan ng Stray Neuter Project, San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, at San Mateo Rizal Animal Welfare Office ang isasagawang low-cost kapon at libreng anti-rabies vaccination sa ika-29 ng Marso 2025 sa covered court ng Brgy. Ampid I. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 hanggang alas-11 ng umaga.

Dahil “No Appointment, No Schedule” ito, mag-sign up lamang via Google Forms gamit ang link na ito: https://forms.gle/eX9cDt2d3GtJYXNF7

Narito ang kaukulang rates para sa inyong mga alaga:
- Male Cat - P500.00
- Female Cat - P700.00
- Male Dog - P1,000.00
- Female Dog - P1,500.00

MAHALAGANG PAALALA:
- May karagdagang bayad na P100.00 kada kilong dagdag para sa mga asong lagpas sa 10kg ang timbang.
- Pakibasang mabuti sa registration link ang mga REMINDERS O KAILANGANG TANDAAN at isaalang-alang bago ipakapon ang inyong alaga: https://forms.gle/eX9cDt2d3GtJYXNF7.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Stray Neuter Project


March 8, 2025

PAGDIRIWANG | National Fire Prevention Month 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog ngayong buwan ng Marso. Halina’t makiisa sa mga inihandang aktibidades ng San Mateo Fire Station para sa mas pinaigiting na panawagan ukol sa kaligtasan laban sa mapaminsalang sunog.

Dahil sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 7, 2025

BALIKAN NATIN | 2025 Regional Athletic Association Meet Opening Ceremony

Naging masigla ang opisyal na pagsisimula ng Regional Athletic Association Meet (RAAM) ngayong Marso 2025. Sari-saring mga delegasyon at libo-libong mga atleta mula sa limang mga probinsya sa Region IV-A ang nagtipon sa Ynares Center, Antipolo City upang makibahagi sa makabuluhang opening ceremony na ito. Dumalo at pinangunahan ito nina DepEd CALABARZON Regional Director Atty. Alberto T. Escobarte, Asst. Regional Director Loida N. Nidea, at Rizal Governor Nina Ynares.

Sa ating mga kabataang manlalaro na kalahok at nagpapamalas ng kanilang husay at puso sa bawat palaro, hanga ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa inyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 7, 2025

PAGGUNITA | International Day of Remembrance for Fallen Police Officers

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pandaigdigang paggunita ng International Day of Remembrance for Fallen Police Officers ngayong araw, ika-7 ng Marso 2025. Pinasimulan ito ng INTERPOL (International Criminal Police Organization) noong 2019 bilang pagpupugay sa mga kapulisan saan mang dako ng mundo na nag-alay ng kanilang buhay sa ngalan ng kanilang sinumpaang tungkulin at pagseserbisyo.

Sa araw na ito, taimtim nating alalahanin at bigyang kabuluhan ang sakripisyo ng ating mga kapulisan.

#ToServeandProtect
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 7, 2025

ALAMIN NATIN | Extreme heat safety

Kababayan, narito ang ilang mga safety tips upang manatili tayong ligtas sa banta ng anumang karamdaman na dala ng matinding init ng panahon.

✅ Tiyakin ang palagiang pag-inom ng tubig at huwag gawing alternatibo ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin, mga matatamis, o ‘di kaya’y inuming may caffeine.
✅ Tubig na malamig ang gamiting panligo at magsuot ng mga preskong damit.
✅ Kumustahin at alamin ang lagay ng inyong mga mahal sa buhay, partikular na ang mga nakatatanda, buntis, mga sanggol at bata, at iba pang mayroon nang iniindang karamdaman, sapagkat sila ang madalas tamaan ng heat illness (heat cramps, heat stroke, heat exhaustion, heat rash).
✅ Sakaling may kailangan gawin sa labas ng bahay, tiyaking may dala na panangga sa init at pakiramdamang mabuti ang sarili. Magpahinga at sumilong sa isang malilim at preskong lugar kung kinakailangan.
✅ Tandaan o ilista ang mga emergency numbers na maaaring tawagan sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari.

📞 PNP San Mateo - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
📞 BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-0864-541
📞 MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
📞 DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131

Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Source: American Red Cross


March 6, 2025

TINGNAN | Project Taas Kamalayan at Kakayahan hatid ng LYDO

Nagtipon ang higit sa 70 kabataang volunteers, Sangguniang Kabataan (SK) officers, at youth leaders sa masiglang 2-day Capacity Building Activity handog para sa kabataan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office. Sari-saring aktibidad at pagsasanay na nakatuon sa pagkalap ng datos, pagpaplano, at pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na proyekto ang aktibong nilahukan ng ating mga kabataan.

Dumalo rito at nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa programa si Municipal Administrator Henry Desiderio, kasama ang ilang SK officials ng iba’t ibang barangay sa ating bayan. Samantala, nagsilbing resource speakers sa unang araw sina Mx. Nestie Villaviray at Mx. Leizl Adame, Project Manager at Executive Director ng Center for Youth Advocacy and Networking. Ang huling araw naman ay pinangunahan ng ating Local Youth Development Officer na si G. Lief Jezreel A. Reyes.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa ating Capacity Building Activity! Sama-sama tayo sa pagbalangkas ng isang magandang kinabukasan para sa ating bayan at mga komunidad.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 5, 2025

ALAMIN NATIN | Iwas-dengue tips handog ng DOH

Dahil walang pinipiling panahon ang sakit na dengue, narito ang ilang kaalaman at paalala mula sa Department of Health (DOH) ukol sa pag-iwas sa pagkakaroon nito. Maging maalam at magsama-sama tayo sa laban kontra-dengue dahil ang bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity materials courtesy of DOH - Healthy Pilipinas


March 5, 2025

TINGNAN | Libreng Pap smear hatid ng Municipal Health Office

Higit sa 100 mga kababaihan ang nagtungo sa ating municipal stadium ngayong araw para sa libreng Pap smear hatid ng San Mateo Rizal Municipal Health Office. Ngayong National Women’s Month, mas paiigtingin ng ating Pamahalaang Bayan ang paglulunsad ng mga kapaki-pakinabang na serbisyong tututok sa kalusugan ng mga kababaihan kaya naman abangan sa inyong mga barangay ang pagdating ng libreng serbisyo na ito!

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 5, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-6 ng Marso, hanggang bukas, ika-7 ng Marso 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-6 ng umaga. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LINE MAINTENANCE ng Manila Water sa:

- Liamzon cor. Daang Bakal Rd., Brgy. Banaba

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Manila Water


March 5, 2025

BALIKAN NATIN | San Mateo Rizal Artists' Socials Night 2025

Isang gabi ng sining, saya, at pagkilala ang idinaos ng ating Pamahalaang Bayan sa isinagawang San Mateo Rizal Artists’ Socials Night sa Estancia de Lorenzo nitong Biyernes, ika-28 ng Pebrero 2025 bilang kulminasyon ng ating pagdiriwang ng National Arts Month! Nagtipon-tipon ang mga malikhaing indibidwal ng ating bayan mula sa iba’t ibang mga larangan gaya ng musika, pelikula, teatro, pagpipinta, sayaw, at iba pa upang ipagdiwang ang kanilang talento at ambag sa kultura ng San Mateo.

Nagkaroon din dito ng pagtatanghal tulad ng puppet show at magic performance mula sa Party Performers of San Mateo (PPSM) at espesyal na comedy act mula sa The Comedy Crew na naghatid naman ng saya sa mga manunuod. Samantala, dumalo at nakiisa sa pagdiriwang na ito ang ating Acting Municipal Mayor Grace Diaz , Municipal Administrator Henry Desiderio, Municipal Tourism Officer Randy Florencio, at isa rin sa ating mga panauhin na si Duly Elected Mayor Omie Rivera na dating isang aktor sa teatro at pelikula. Ipinaabot nila ang kanilang pasasalamat at ang mensahe ng patuloy na pagsuporta sa ating mga lokal na talento sa kanilang pagpapalakas ng sining bilang mahalagang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan.

Muli, isang pagbati at pasasalamat sa mga nakibahagi sa ating selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Sining ngayong taon! Dito sa ating bayan, buhay ang diwang malikhain!

#NationalArtsMonth2025
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 5, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Women's Month Parade

Pansamantalang magkakaroon ng STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave., Kambal Rd. at Daang Bakal Rd. mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga ngayong Sabado, ika-8 ng Marso 2025, upang magbigay daan sa isasagawang Women's Month Parade.

Magsisimula ito sa munisipyo at babagtasin ang kahabaan ng Hilario St., P. Burgos St., B. Mariano St., Pelbel St., Gen. Luna Ave., M.H. Del Pilar St., Kambal Rd., Daang Bakal Rd. patungong Municipal Stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I.

Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga magpaparada. Asahan din ang bahagyang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


March 5, 2025

TINGNAN | National Fire Prevention Month 2025

Sa unang araw ng opisyal na pagsisimula ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng National Fire Prevention Month kahapon, ika-4 ng Marso 2025, nagdaos ng serye ng mga patimpalak ang Bureau of Fire Protection - San Mateo Fire Station na nilahukan naman ng mga elementary, high school, at college students mula sa ating bayan. Una ritong isinagawa ang Fire Safety Quiz Bee, sumunod ang Spoken Word Poetry Contest, at panghuli ang Canvas Painting Contest.

Gagawaran ng pagkilala ang mga nagwagi sa kulminasyon ng selebrasyon Fire Prevention Month. Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa mga patimpalak na ito, maging sa kanilang mga guro at tagapagsanay!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 4, 2025

Ang Ash Wednesday o Miyerkules ng Abo ay ang araw na nagmamarka sa pagsisimula ng Kuwaresma na siyang pinaghahandaan ng ating mga kababayang Katoliko. Sa araw din na ito hinihikayat ang lahat, partikular na ang mga taong nasa hustong gulang at may maayos na kalusugan, na mag-ayuno at mangilin.

Tayo’y magnilay at taimtim na sariwain ang makabuluhang sakripisyo ng pagpapakapako ni Hesus sa krus, at magdala ito ng bagong panimula sa ating pananampalataya sa Kaniya.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 4, 2025

TINGNAN | BFP Fire Prevention Month 2025 Kick-off Ceremony

Upang bigyang hudyat ang pagsisimula ng selebrasyon ng Fire Prevention Month sa ating bayan, masiglang pinangunahan ng Bureau of Fire Protection - San Mateo Fire Station ang isang motorcade kaninang umaga. Nakibahagi rin dito ang ating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mga emergency fire responders mula sa iba’t ibang mga barangay at establisyimento sa ating bayan.

Matapos ang motorcade, nagkaroon ng maikling programa kung saan nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagsuporta para sa aktibidad ang ating Municipal Fire Marshall, FCInsp. Richard Ericson Malamug, MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion, at San Mateo Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Braulio Villanueva.

Dahil ang buwan ng Marso ay National Fire Prevention Month, laging tatandaan na sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 4, 2025

TINGNAN | The Voice: Senior Citizens Edition sa SM City San Mateo

sinagawa noong Huwebes, ika-27 Pebrero 2025, ang “The Voice: Senior Citizens Edition” sa Activity Center, 2nd floor ng SM City San Mateo. 15 mga lolo’t lola mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan ang nagpakitang gilas sa kanilang natatanging talento at husay sa pag-awit. Dumalo rito si Acting Mayor Grace Diaz at nagbahagi ng inspirasyunal na mensahe at nag-alay rin ng isang awitin para sa mga kalahok at manonood. Narito rin sina San Mateo Federation of Senior Citizens Association Inc. President Francisco Rocamora at Office of the Senior Citizens’ Affair (OSCA) - OIC Romy Halili.

Sa pagtatapos ng patimpalak ay itinanghal na kampeon si G. Espiridion L. Canillo mula sa Brgy. Guitnang Bayan I. Nagkamit naman ng unang karangalan si Gng. Francisca R. Francisco ng Brgy. Guitnang Bayan II, at ikalawang karangalan si Rudy Q. Torres mula sa Brgy. Guinayang. Ang programang ito ay sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) katuwang ang Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) at ng ating Tourism Office bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Sining.

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at isang mainit na pagbati sa mga nagwagi sa patimpalak na ito! Basta usapang talento, bida tayong mga taga-San Mateo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 3, 2025

Happy birthday, Mayor Jun! Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Antipolo City Mayor at former Rizal governor Casimiro “Jun” Ynares III! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal. #SanMateoRizalLGU #SanMateoRizalPIO


March 3, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Gender and Development Office at Tourism Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Gender and Development Office at San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Sa ating pagnanais na itaguyod ang sektor ng turismo, masigasig na nakikibahagi ang ating Municipal Tourism Office sa mga aktibidad gaya ng pagdalo sa mga seminar, capacity building activities, lakbay-aral, at iba pang mga gawain na nakatuon sa pagpapaunlad ng kamalayan sa ating sariling kultura at pag-aangat ng turismo sa ating bayan.

Samantala, mandato naman ng Gender and Development Office ang pagsulong ng gender equality sa ating bayan sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang ating Pamahalaang Bayan ay nag-iimplementa ng mga polisiyang mayroong gender responsive approach. Pinangungunahan ng GAD ang mga pagsasanay ukol sa Gender Sensitivity, pagtitipon ng mga kababaihan, Pride March, at paglulunsad din ng mga livelihood programs. Inilatag din ng naturang tanggapan ang mga aktibidad na nakapaloob sa ating calendar of activities ngayong selebrasyon ng National Women’s Month.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 3, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Manila Water Sewer Project sa Brgy. Guitnang Bayan I

Pansamantalang ipapatupad ang FULL ROAD CLOSURE sa kahabaan ng Hilario St. sa Brgy. Guitnang Bayan I (bandang Boardwalk/Freedom Park) simula bukas, ika-4 ng Marso, hanggang ika-23 ng Marso 2025. Ito ay upang bigyang daan ang isinasagawang sewer project ng Manila Water.

Inaabisuhan ang ating motoristang patungo sa San Mateo Public Market na dumaan sa Kambal Rd. (McDonald's). Pahihintulutan dito ang 2-way traffic flow. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers ang iiistasyon sa naturang lugar para sa pag-alalay sa mga motorista at pedestrians.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


March 3, 2025

PABATID | On the Spot Poster Making Contest hatid ng GAD at ng Local Council of Women

Tinatawagan ang ating mga malikhaing kababaihan!

Bilang selebrasyon ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, inilulunsad ng San Mateo Rizal Gender and Development Office ang isang on the spot poster making contest na maaaring salihan ng mga sumusunod:
✅ Babaeng mag-aaral (elementary, high school, o college level)
✅ Kabataang babae na nasa edad 9-24 taong gulang
🟢 MGA PANUNTUNAN:
📌 Magparehistro sa Google form link na ito: http://bit.ly/3DeUAhg. Maaari ring i-scan ang QR code sa larawan sa ibaba.
📌 Magtitipon ang lahat ng mga kumpirmadong kalahok sa ika-8 ng Marso 2025, simula alas-7 ng umaga, sa ating municipal stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center). Magsisimula ang On the Spot Poster Making Contest sa ganap na 8:30 ng umaga.
📌 Dapat na sinasalamin ng poster ang temang ito: “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”.
📌 Ang poster na gagawin ay kinakailangang gamitan ng mga tradisyunal na art materials gaya ng oil pastel, water color, krayola, at iba pa.
📌 Kailangang maghanda ng maikling deskripsyon na siyang maglalarawan sa konsepto ng magagawang poster. Kailangan ding lagyan ng mga sumusunod na detalye ang likuran ng inyong poster:
- Pangalan ng kalahok
- Edad
- Contact number
- Kumpletong address
🔴 MAHALAGANG PAALALA:
Hanggang 10 indibidwal lamang ang maaaring lumahok sa on the spot poster making contest na ito. Hintayin ang kompirmasyon mula sa GAD office kung ikaw ay kuwalipikadong lumahok matapos ang iyong Google form registration.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 1, 2025

TINGNAN | Mayor’s Cup: Inter-TODA Basketball League 2025

Maagang umarangkada sa kalsada ngayong araw ang ating mga kababayang tricycle drivers hindi para mamasada, kung hindi para magparada! Bahagi ito ng panimulang aktibidad para sa opisyal na pagsisimula ng kauna-unahan sa ating bayan na Mayor’s Cup: Inter-TODA Basketball League 2025. Matapos ang parada, kaagad na nagsimula ang opening program kung saan ipinakilala ang 13 koponang magtatagisan ng galing sa basketball. Narito rin sina Acting Mayor Grace Diaz , Acting Vice Mayor Jojo Juta, Congressman Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, at Municipal Administrator Henry Desiderio na nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta para sa aktibidad at nanawagan para sa patas, payapa, at may paggalang na paglalaro sa pagitan ng bawat kalahok.

Bumisita at nagbahagi rin ng inspirasyunal na mensahe si G. Allan “The Triggerman” Caidic, isang PBA legend at tanyag na professional basketball player para sa mga kababayan nating nangangarap maging isang ring professional basketball player, partikular na sa mga maglalaro ngayong araw. Sa pagtatapos ng maikling programa ay kinilala ang muse ng Brgy. Banaba bilang Best Muse, Brgy. Guinayang naman ang koponang mayroong Best Yell, at ang Brgy. Silangan na mayroong Best TODA Float.

Good luck sa lahat ng ating mga TODA basketbolista! Inyong patunayan na basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 1, 2025

TINGNAN | Operation Bigay Lunas handog ng Mercury Drug Foundation

Isinasagawa ngayong araw ang isang medical outreach program ng Mercury Drug Foundation, Inc. sa covered court ng Brgy. Guinayang kung saan libre at sari-saring mga serbisyong medikal ang inihahandog para sa ating mga kababayan. Bukod sa medical consultation booths, mayroon din ditong parmasiya na mapagkukuhanan ng mga inireresetang gamot at booths mula sa sponsors na nagpapamahagi naman ng mga freebies.

Narito bilang mga benepisyaryo ang mga residente mula sa Brgy. Guinayang, Brgy. Malanday, at Brgy. Maly. Dumalo rin dito sina Municipal Administrator Henry Desiderio at Municipal Health Officer Dr. Nyl Jarem Amoroso upang magpaabot ng mensahe ng pasasalamat sa Mercury Drug Foundation sa kanilang pakikipagtulungan sa ating Pamahalaang Bayan para sa medical outreach program na ito.

Bayan ng San Mateo, may serbisyong handog para sa’yo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


March 1, 2025

PAGDIRIWANG | National Women’s Month 2025

Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan ngayong buwan ng Marso.

Sama-sama tayo sa pag-aangat ng sektor ng kababaihan ng ating bayan at bansa!

#NationalWomensMonth
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 29, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | 2025 Inter-TODA Motorcade

Pangungunahan ng San Mateo Rizal Sports Development Office ang isang motorcade para sa Inter-TODA Basketball League ngayong Linggo, ika-2 ng Marso 2025, mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga.

Magsisimula ito sa Freedom Park (Boardwalk) sa Brgy. Guitnang Bayan I at babagtasin nito ang mga kalsada ng Hilario St., B. Mariano St., Pelbel St., Gen. Luna Ave., C6 Bypass Rd., Daang Bakal Rd. hanggang sa Lorenzo St. sa Brgy. Maly at pabalik sa Gen. Luna Ave. patungong San Mateo Municipal Stadium.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa ruta ng motorcade. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 28, 2025

TINGNAN | Pagtatayo ng mga bagong street signs sa kahabaan ng Gen. Luna Ave.

Ang proyektong ito ay bahagi ng beautification o pagsasaayos at pagpapaganda ng anyo ng ating bayan. Ito ay sa pamamagitan ng renobasyon at pagpapabuti ng lagay ng mga nakapaligid sa ating bayan na nagbibigay serbisyo sa ating mga mamamayan.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 28, 2025

TINGNAN | San Mateo Rizal Mega Job Fair 2025

Ginanap kahapon, ika-27 ng Pebrero 2025 ang unang Mega Job Fair handog ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office para sa kasalukuyang taon. Higit sa 20 mga kompanya ang pinilahan ng hindi bababa sa 500 mga aplikante kung saan lagpas naman sa 100 ang tagumpay na naging hired on the spot. Bago tuluyang mag-umpisa ang aktibidad ay nagbahagi ng inspirasyunal na mensahe si Municipal Administrator Henry Desiderio para sa mga job applicants at isang pasasalamat naman para sa mga kompanyang nakakatuwang ng ating Pamahalaang Bayan sa pagbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan na makapagtrabaho.

Maraming salamat sa lahat ng mga sumubok mag-apply sa ating Mega Job Fair, maging sa ating mga participating companies ngayong taon! Hanggang sa susunod na job fair, mga kababayan!

Dito sa San Mateo, kahusayan at serbisyo ang laan para sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 28, 2025

BALIKAN NATIN | IEC and Drug Symposium para sa Grade 10 students ng Ampid National High School hatid ng SAMMADAC

Sa pagpapatuloy ng ating kampanya laban sa ilegal na droga, pinangunahan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) ang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign and Drug Symposium para sa mahigit 200 Grade 10 students mula sa Ampid National High School. Interaksyunal ang naging talakayan dito ukol sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy lamang ang pagsusumikap ng ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng SAMMADAC upang itaas ang kamalayan ng mga kabataan ukol sa ilegal na droga at epekto nito sa tao, kanilang kapwa, at buong pamayanan. Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 27, 2025

ANUNSIYO PUBLIKO | Opisyal na pahayag ni Mayor Omie Rivera ukol sa inihaing Order of Preventive Suspension ng Office of the Ombudsman sa mga opisyales ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 27, 2025

PABATID | Call for Proposals for the 2025 Filipinnovation Awards

Tinatawagan ang ating mga kababayang business owners!

Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ay naglunsad ng kauna-unahang National and Regional Innovation Awards and Competitions (NRIAC) o ang 2025 Filipinnovation Awards. Ito ay upang kilalanin ang mga inobasyon ng mga Pilipino at isulong ang kanilang mga inobatibong solusyon ukol sa komersyalisasyon na makapagdadala ng malalaking kontribusyon para sa kaunlaran ng ating bansa.

Inaanyayahan ang lahat ng ating large and small local business enterprises na magsumite ng kanilang mga panukalang nakatuon sa Learning and Education, Health and Wellbeing, at Food and Agribusiness. Ito ay bukas para sa lahat ng Filipino business owners na mayroon ng early-stage commercialized na mga serbisyo o produkto.

📌 Narito ang criteria for eligibility mula sa Department of Interior and Local Government (DILG):
- Must be Filipino citizens or Filipino-owned enterprises;
- Must be innovators in the early stages of commercialization;
- Must be registered with the Department of Trade and Industry (DTI) or the Securities and Exchange Commission (SEC); and
- Must have Certificate of Intellectual Property (IP) Registration or Proof of Ongoing IP Application
📌 Para naman sa application requirements, narito ang mga dokumentong kailangang ipasa:
- Comprehensive pitch deck
- Proof of Intellectual Property (IP) application or registration
- Proof of DTI and SEC registration

Magparehistro at magsumite lamang ng inyong aplikasyon sa link na ito: https://filipinnovation.neda.gov.ph/. Para naman sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang kanilang official Facebook page https://www.facebook.com/NICfilipinnovation.

MAHALAGANG PAALALA: Ang DEADLINE ng pagpaparehistro at aplikasyon ay sa MARCH 20, 2025.

Dito sa ating bayan, sama-sama tayo tungo sa kaunlaran!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Filipinnovation


February 27, 2025

HAPPENING NOW | Kadiwa ng Pangulo Diskwento Caravan sa San Mateo Rizal Office

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, ika-27 ng Pebrero 2025, ang Kadiwa ng Pangulo Diskwento Caravan hatid sa atin ng Department of Agriculture, sa pakikipagtulungan ng ating San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office.

Magtungo lamang sa Aranzazu St., sa likod ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu upang makabili ng mga murang gulay, prutas, at iba pang bilihin.

Tuloy-tuloy lamang ito hanggang bukas, ika-28 ng Pebrero 2025, kaya halina’t mamili, kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 25, 2025

BALIKAN NATIN | Oral Health Program handog ng Municipal Health Office

Higit sa 200 mga Grade 7 students mula sa Silangan National High School ang nakatanggap ng oral health education at libreng dental services gaya ng oral examination, dental prophylaxis (cleaning), at fluoride application sa ilalim ng Oral Health Program ng San Mateo Rizal Municipal Health Office. Samantala, hindi bababa sa 80 senior citizens ang tumanggap din ng naturang mga serbisyo sa oral health program na ginanap naman sa ating municipal stadium.

Patuloy ang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng National Oral Health Month! Sa tema ngayong taon na “Pamilya: Una Kong Dentista”, ating binibigyang halaga ang wastong pangangalaga ng ngipin para sa pangkabuuang kalusugan ng ating pangangatawan dahil bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#7020

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 25, 2025

TINGNAN | Inagurasyon at Turnover Ceremony ng WASH facility sa JFDMNHS

WASHup, WASHup! 🫧

Pinangunahan ng Manila Water Foundation ang inagurasyon at turnover ceremony ng WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) facility ngayong araw sa Annex Building ng Jose F. Diaz Memorial National High School. Itinampok dito ang makabagong multi-faucet hygiene facility na mayroong foot pedals sa halip na mga tradisyunal na gripo at kumpleto rin ng mga nakapaskil na educational materials patungkol sa hand hygiene.

Dinaluhan ito nina Manila Water Infratech Solutions Gen. Manager Jose Paulo Serias, Public Schools District Supervisor (PSDS) Dr. Pitsberg B. De Rosas, Municipal Administrator Henry Desiderio, iba pang mga kinatawan ng Manila Water Foundation, mga kaguruan at Grade 9 students ng JFDMNHS. Bukod sa pasinaya ng naturang handwashing station, nagkaroon din dito ng pamamahagi ng hygiene kits sa mga mag-aaral at maikling bahagian ng kaalaman ukol sa kahalagahan na wastong paghuhugas ng mga kamay.

Maraming salamat, Manila Water Foundation, sa paghahatid ng inyong Lingap Eskwela Program sa aming bayan! Kaisa ninyo ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa layuning tiyakin at panatilihin ang kalinisan sa kamay ng ating mga mag-aaral sapagkat daan din ito sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at isang masiglang pamayanan!

#WASHforAllCommunities
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 25, 2025

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw, ika-25 ng Pebrero 2025. Alalahanin natin at bigyang kabuluhan ang mga tagpong nagpatunay na ang kolektibong paniniwala, basta’t nag-uugat sa malalim na pagmamahal sa bayan at mamamayan nito, ay nagbubunsod ng sama-samang pagkilos upang muling matamo ng mga Pilipino ang kasarinlan.

Isang mapagpalayang araw ngayong 39th anniversary ng EDSA People Power Revolution, kababayan!

#EDSA39
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 24, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Municipal Treasurer’s Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Treasurer’s Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Nananatili ang sigasig at dedikasyon ng kanilang tanggapan sa pagsasakatuparan ng kanilang gampanin sa ating mga kababayan. Nariyan ang koleksyon ng amilyar o Real Property Tax, Business Tax, at iba pang mga bayarin at singilin. Bilang karagdagan, magsisilbi rin silang mga tagapag-ingat ng mga ballot boxes sa panahon ng eleksyon.

Pagkatapos ng kanilang pag-uulat ay nagkaroon ng maikling anunsiyo ang Bureau of Fire Protection ukol sa kanilang mga aktibidades ngayong paparating na buwan ng Marso, na kilala rin bilang Fire Prevention Month. Sinundan ito ng mga mensahe nina Congressman Jojo Garcia at ang ating kasalukuyang Acting Municipal Mayor, Kgg. Mary Grace Diaz. Kanilang tiniyak ang walang patid na pagseserbisyo ng Pamahalaang Bayan sa mga mamamayan ng San Mateo.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 24, 2025

TINGNAN | “Ayos ka Lungs?” Libreng Chest X-ray hatid sa Brgy. Banaba

Pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office ang isang libreng chest X-ray sa Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba nitong Biyernes, ika-21 ng Pebrero 2025. Higit sa 200 mga indibidwal ang nakapagpasuri dito at sumailalim sa X-ray scan. Naghandog din dito ng noncommunicable diseases (NCDs) screening para sa hypertension at diabetes, at Provider-Initiated Counseling and Testing (PICT) naman para sa HIV.

Maraming salamat, RCG Premier Inc., Philippine Business for Social Progress, at ACCESS TB Project sa inyong walang sawang pakikipagtulungan sa ating Pamahalaang Bayan sa pagsugpo sa sakit na TB! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 24, 2025

Maligayang kaarawan po, Mayor Omie!

Malugod na bumabati ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal ng isang maligayang kaarawan sa ating punongbayan, Mayor Bartolome “Omie” N. Rivera, Jr.! Maraming salamat po sa hatid ninyong pag-asa at inspirasyon sa buhay ng ating mga kababayan! Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Maykapal tungo sa katuparan ng inyong mga hangarin para sa kaunlaran ng ating bayan. 🫰

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 23, 2025

TINGNAN | 7-Eleven Trail 2025 sa San Mateo Rizal

Muling nagsama-sama sa ating bayan ang higit sa 1000 mga siklista mula sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong araw upang subukan ang kanilang tatag at lakas ng katawan sa katatapos lamang na 7-Eleven Trail 2025 sa Timberland Heights. Matapang na sinuong ng mga bikers ang bawat paahon at pababa ng 40km course na hatid ay natatanging biking experience sa lahat ng mga kalahok. Mayroon din ditong booths ng mga sponsors na naghahandog naman ng kanilang sari-saring mga libreng produkto.

Maraming salamat, 7-Eleven Trail Series, sa taunang pagpili sa aming bayan upang pagdausan ng malawakang cycling event na ito! Isa ring mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi, race finishers, at sa lahat ng mga nakibahagi sa pagdaraos nito. Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtataguyod ng mga programang hindi lamang nakatuon sa pagpapabuti ng ating kalusugan at pangangatawan, kung hindi nakapagsusulong din ng turismo sa ating bayan!

#Trail2025 #RideTheLegacy #711ph
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 23, 2025

HAPPENING NOW | 7-Eleven Trail 2025

Muling nagsama-sama sa ating bayan ang higit sa 1000 mga siklista mula sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong araw upang subukan ang kanilang tatag at lakas ng katawan sa katatapos lamang na 7-Eleven Trail 2025 sa Timberland Heights. Matapang na sinuong ng mga bikers ang bawat paahon at pababa ng 40km course na hatid ay natatanging biking experience sa lahat ng mga kalahok. Mayroon din ditong booths ng mga sponsors na naghahandog naman ng kanilang sari-saring mga libreng produkto.

Maraming salamat, 7-Eleven Trail Series, sa taunang pagpili sa aming bayan upang pagdausan ng malawakang cycling event na ito! Isa ring mainit na pagbati sa lahat ng mga nagwagi, race finishers, at sa lahat ng mga nakibahagi sa pagdaraos nito. Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtataguyod ng mga programang hindi lamang nakatuon sa pagpapabuti ng ating kalusugan at pangangatawan, kung hindi nakapagsusulong din ng turismo sa ating bayan!

#Trail2025 #RideTheLegacy #711ph

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 21, 2025

TINGNAN | National Arts Month Celebration - Balagtasan 2025

Nagpagalingan sa pagkamakata at talas ng isipan ang mga high school at senior high school students ng pampubliko at pribadong paaralan sa ating bayan ngayong araw sa ginanap na balagtasan sa San Mateo National High School. Hinarap ng bawat kalahok ang mga mapanghamong paksa na siyang naging sentro ng kanilang palitan ng mga punto.

Matapos ang maghapong tunggalian, tagumpay na naiuwi ng mga sumusunod na paaralan ang panalo:
🏅 Kampeon - San Mateo Senior High School
🏅 Unang karangalan - Ampid National High School
🏅 Ikalawang karangalan - Silangan Senior High School
🏅 Ikatlong karangalan - Guinayang National High School
🏅 Ikaapat na karangalan - San Mateo National High School

Inilunsad ng ating Pamahalaang Bayan ang balagtasang ito bilang isa sa mga aktibidad sa kasagsagan ng ating pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Sining. Isa itong pagpupugay at pag-alala sa taglay na kayamanan ng panitikang Filipino na ating patuloy na binubuhay hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi at isang mainit na pagbati sa mga kalahok na nagwagi!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 21, 2025

TINGNAN | Capacity Building on Women Leaders hatid ng GAD

Isinagawa nitong Miyerkules, ika-19 ng Pebrero 2025, ang Capacity Building on Women Leaders sa Alberto’s Banquet Hall, Brgy. Malanday. Ang programang ito ay pinangunahan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office katuwang ang Local Council of Women kung saan nagtipon ang higit sa 100 kababaihang lider na solo parents, senior citizens, Homeowners Association (HOA) presidents, at iba pang mula sa non-government organizations (NGOs). Kasama rin sa mga dumalo rito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, at Konsi Joey Briones.

Sinisikap ng ating Pamahalaang Bayan na patuloy na maglunsad ng mga programang makapagbibigay boses at lakas sa mga kababaihan. Daan ito sa pagiging isang mapagpalahok at progresibong bayan ng San Mateo.

Dito sa ating bayan, suportado ang bawat kababaihan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 21, 2025

TINGNAN | Workplace Sensitivity Training for San Mateo Business Establishments handog ng PESO

Pinangunahan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office ngayong araw ang isang pagsasanay para sa mga kawani ng iba't ibang mga pribadong establisyimento sa ating bayan. Nakatuon ang training na ito sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman ukol sa pagtataguyod ng isang malusog, inklusibo, at mabuting pakikipagkapwa sa lugar ng trabaho.

Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 21, 2025

PABATID | 7-Eleven Trail 2025 Wave Schedule and Race Day Reminders

Narito ang wave schedule at ilang mga paalala para sa mga kalahok sa papalapit nang 7-Eleven Trail 2025 ngayong Linggo, ika-23 ng Pebrero 2025, sa Timberland Heights.

Kita kits at good luck sa lahat ng mga kasali!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of 7-Eleven Trail Series


February 21, 2025

TINGNAN | Red Carpet Block Screening ng "BEN•NY" sa SM City San Mateo Cinema

Sa patuloy na pagdiriwang ng ating National Arts Month, ginanap ngayong araw, ika-20 ng Pebrero 2025, ang red carpet block screening para sa short film na "BEN•NY" sa SM City San Mateo Cinema. Isa itong internationally at locally award-winning film sa direksyon ni Dir. Rhance "Bunzo" Añonuevo-Cariño, ating kababayan mula sa Brgy. Silangan, na ginawaran ng pagkilala noong nakaraang taon sa mga patimpalak gaya ng 10th Emirates Film Festival at 9th Urduja Film Festival.

Mahigit 600 mag-aaral mula sa San Mateo Municipal College, San Mateo National High School, San Mateo Senior High School, Ampid National High School, Guinayang National High School, at Jose F. Diaz Memorial National High School ang nagtipon upang panoorin ang naturang pelikula. Kasama rin sa mga nanuod sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, SMMC President Dr. Reldino Aquino, ang premyadong aktor na si G. Archi Adamos at ang buong cast at production team ng "BEN•NY".

Pagkatapos ng pelikula ay ipinarating ni Direk Rhance ang kaniyang pasasalamat sa suportang ipinaabot ng ating Pamahalaang Bayan sa mga tulad niyang emerging filmmakers at sa iba pang malikhaing indibidwal sa iba’t ibang larangan. Bilang pangwakas ay nagpaabot naman ng inspirasyunal na mensahe si Mayor Omie kung saan kaniyang kinilala ang kontribusyon ng sining sa paghubog ng ating bayan. Hinikayat niya rin ang mga manonood na huwag matakot sumubok at isakatuparan ang kanilang mga pangarap.

Sa ating tema ngayong taon na "Ani ng Sining, Diwa at Damdamin", ating binibigyang karangalan ang pagpapahayag ng pagmamahal sa sining dahil dito sa ating bayan, buhay ang diwang malikhain!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 20, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-20 ng Pebrero, hanggang bukas, ika-21 ng Pebrero 2025. Magsisimula ito mamayang 10:00PM hanggang bukas ng 5:45AM. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang LEAK REPAIR ng Manila Water sa:

- Kambal Rd. cor. MR Ville

Apektado rito ang ilang mga bahagi ng Brgy. Guitnang Bayan I at Guitnang Bayan II

Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


February 20, 2025

PABATID | Kadiwa ng Pangulo Diskwento Caravan sa San Mateo Rizal

Murang gulay, prutas, at iba pang bilihin sa palengke ba ang hanap mo? Meron ‘yan dito sa Kadiwa ng Pangulo Diskwento Caravan!

Ilulunsad sa ating bayan ang Kadiwa ng Pangulo Diskwento Caravan sa ika-27 hanggang ika-28 ng Pebrero 2025 at gaganapin ito sa kahabaan ng Aranzazu St., sa likod ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu. Magbubukas ito para sa lahat ng mamimili simula alas-7 ng umaga.

Ang programang ito ay hatid sa atin ng Department of Agriculture, sa pakikipagtulungan ng ating San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office. Iba’t ibang mga sariwang ani at produkto mula sa ating bayan ang matatagpuan dito kaya halina’t mamili, mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 20, 2025

TINGNAN | Mobile Blood Donation sa Brgy. Silangan

Isinagawa ang isang bloodletting activity ngayong araw sa Buntong Palay Purok 2 Covered Court, Brgy. Silangan. Magkatuwang itong pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office at ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI). Narito rin ang ilang mga alumni ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School Batch ‘85 na naghandog ng packed meals sa mga tagumpay na nakapag-donate ng dugo. Bukod pa ito sa ipinapamahagi rin nating pagkain at grocery items bilang pasasalamat sa kanilang boluntaryong pakikibahagi sa aktibidad na ito.

Hanggang sa susunod nating mobile blood donation activity! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 19, 2025

TINGNAN | Oral Health Program handog ng Municipal Health Office sa Brgy. Ampid II

Bilang pagdiriwang ng Oral Health Month ngayong Pebrero, muling naglunsad ng serye ng mga oral health programs ang San Mateo Rizal Municipal Health Office para sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay. Isinagawa ito kahapon, ika-18 ng Pebrero 2025, sa Brgy. Ampid II Covered Court at dinaluhan naman ng higit sa 20 mga kababaihang buntis. Nagkaroon dito ng bahagian ng kaalaman ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng ating bibig at mayroon ding libreng dental services gaya ng oral prophylaxis at fluoride application.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 19, 2025

TINGNAN | Labor Education For Graduating Students handog ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office

Isang Labor Education Seminar ang ginanap sa ating municipal stadium ngayong araw, ika-19 ng Pebrero 2025, para sa mga graduating students ng San Mateo Municipal College (SMMC). Dinaluhan ito ng higit sa 1000 estudyante na hinati sa pang-umaga at panghapon na batch. Ang AM at PM session ay magkatuwang na pangungunahan nina G. Louie Angelo Cruz, Officer-in-Charge ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) at ni Bb. Alexandra Nicole Culianan, Assistant Labor Inspector at Rizal Provincial Coordinator.

Dito’y nagbahagi si Mayor Omie Rivera ng makabuluhang mensahe ukol sa kahalagahan ng pagtukoy ng tatahaking karera ng mga kabataan at ang patuloy na pagsuporta ng ating Pamahalaang Bayan sa pagsasagawa nila nito. Tinalakay sa seminar ang mga pangunahing kondisyon sa paggawa sa trabaho, mga termino ng employment, pati na rin ang pagsulat ng resume, paghahanda para sa job interviews, at iba pang mahahalagang kaalaman upang magkaroon ng matatag na simula sa kanilang mga career.

Dito sa San Mateo, may serbisyong nakalaan para sa mga kabataan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 19, 2025

PABATID | San Mateo Rizal Mega Job Fair 2025

Tinatawagan ang ating mga kababayang job seekers! Baka ito na ang pagkakataon mong magkaroon ng trabaho!

Muling inilulunsad ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ang Mega Job Fair ngayong taon. Gaganapin ito sa ika-27 ng Pebrero 2025 sa ating municipal stadium, simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

🔴 MAHALAGANG PAALALA:

Dalhin ang inyong pinaka-updated na CV/resume at black ballpen.

Tara na’t mag-apply! Dito sa San Mateo, mayroong serbisyo at oportunidad na laan para sa’yo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 19, 2025

PABATID | U19 Men’s Basketball Tryouts

Magkakaroon ng tryouts para sa U19 Men’s Basketball bukas, ika-20 ng Pebrero, hanggang Biyernes, ika-21 ng Pebrero 2025, sa ating municipal stadium, mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.

Isa ka ba sa mga kabataang nasa edad 19 taong gulang pababa na nagnanais makapaglaro sa U19 Men’s Basketball? Tara na’t sumama sa tryouts! Magdala lamang ng inyong PSA birth certificate (1 original copy, 1 photocopy) at makipag-ugnayan sa ating Municipal Sports Coordinator, Bb. Michelle M. Rondina, para sa iba pang mga katanungan: 09302907683.

Halina’t patunayang basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 18, 2025

TINGNAN | San Mateo Rizal Art Exhibit at SM City San Mateo

Mabuhay ang sining at kultura ng ating bayan!

Pinasinayaan kahapon, ika-18 ng Pebrero 2025, sa SM City San Mateo ang isang art exhibit na nagtatampok ng sari-saring mga obra mula sa San Mateo Artists Guild (SMAG). Nagkaroon dito ng maikling programa kung saan nagbahagi ng mga makabuluhang mensahe sina Mayor Omie Rivera at SMAG President Ella Hipolito. Naging espesyal din ang pasinayang ito sa pagbisita ni former Senator Leila de Lima na nagpaabot ng kaniyang pagbati.

Kasama pa sa mga dumalo rito sina Konsi Boy Salen, Konsi Joel Diaz, Municipal Administrator Henry Desiderio, SM Senior Asst. Vice President for Operations Ronald Allan Brosas, Asst. Mall Manager Siegfred Tatom, Local Council for Women President Enriqueta Disuanco, at ang ating Featured Artist, G. Noel Catacutan.

Mananatiling bukas para sa publiko ang art exhibit na ito hanggang sa ika-26 ng Pebrero 2025 sa Activity Center, 2nd flr. ng SM City San Mateo. Bumisita na rito at tunghayan ang mga natatanging obra maestra ng ating mga malikhaing kababayan!

#NationalArtsMonth2025
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 18, 2025

TINGNAN | Clean-up Drive sa C6 Road para sa nalalapit na 7-Eleven Trail 2025

Nagtipon-tipon ang higit sa 100 mga bikers at kinatawan ng pamunuan ng Brgy. Guitnang Bayan I at Guitnang Bayan II nitong Sabado, ika-15 ng Pebrero 2025, sa kahabaan ng C6 Road upang magsagawa ng clean-up drive. Magkatuwang itong pinangunahan ng Timberland Mountain Bikers Team at ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) bilang paghahanda sa rutang babagtasin ng mga siklistang kalahok sa gaganaping 7-Eleven Trail 2025 sa ating bayan.

Muli na naman nating masasaksihan ang tagisan ng bilis at lakas ng katawan ng mga bikers mula sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Pebrero kaya’t good luck sa lahat ng mga kasali sa patimpalak na ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 18, 2025

TINGNAN | IEC and Drug Symposium para sa Grade 10 students ng San Mateo National High School handog ng SAMMADAC

Higit sa 800 mga Grade 10 students mula sa San Mateo National High School ang dumalo sa ginanap na Information, Education, and Communication Campaign (IEC) at Drug Symposium kahapon, ika-17 ng Pebrero 2025, sa ating municipal stadium. Bago tuluyang magsimula ang symposium ay masiglang bumati at naghandog ng mga makabuluhang mensahe sina Municipal Administrator Henry Desiderio, Asst. Municipal Administrator Atty. Jay Quintos, at ang ating Municipal Health Officer, Dr. Nyl Amoroso.

Kaakibat ng papapatuloy ng kanilang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), sinisikap ng SAMMADAC na mapaigting ang pagtataas ng kamalayan ng mga kabataan ukol sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot. Daan ito sa kanilang maagang pagkatuto at maayos na paghubog ng kanilang mga kaisipan.

Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 17, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Sentro ng pagseserbisyo ng MAO ang pangkabuuang kaunlaran ng sektor ng agrikultura sa ating bayan. Patuloy ang pagtatampok ng ating mga OTOP (One Town, One Product) at ang pagrehistro ng ating mga magsasaka bilang mga benepisyaryo ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) at insurance and indemnity claims.

Nagkakaroon din bawat linggo ng KADIWA Rice Program o Murang Bigas para sa Lahat at ng mini market kung saan maaaring makabili ng mga gulay at prutas sa murang halaga. Pinaiigting din ng MAO at San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO) ang kampanya para sa responsible pet ownership kaya’t sunod-sunod ang paglulunsad ng mga anti-rabies vaccination at low-cost kapon sa iba’t ibang mga barangay.

Matapos ang kanilang pag-uulat, nagkaroon naman ng turnover ceremony para sa bagong rescue vehicle ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 17, 2025

TINGNAN | PinTara: Pinta na Kabataan ng San Mateo Year 3

Hindi lamang makukulay na artworks ang narito sa libreng Community-Based Art Workshop ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO), kung hindi maging ang masisiglang talakayan din mula sa mga mentors sa Day 1 at Day 2 ng “PinTara: Pinta na Kabataan ng San Mateo”. Ginanap ang unang araw nito noong Sabado, ika-15 ng Pebrero, sa Brgy. Sto. Niño kung saan halos 60 mga kabataan ang dumalo. Higit sa 50 naman ang mga kabataang lumahok kahapon ng Linggo, ika-16 ng Pebrero 2025, sa Brgy. Gulod Malaya.

Sa ikatlong taon ng programang ito, mas pinaigting pa ng LYDO ang kanilang mga learning sessions sa pag-iimbita ng mga malikhaing tagapagsalita. Kanilang ibinabahagi ang sari-saring mga kaalaman ukol sa sining gaya ng mga istilo sa pagpipinta at ang mga isyu sa lipunan na kailangan ding maimulat ang mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng mga lumahok sa PinTara sessions sa Brgy. Sto. Niño at Brgy. Gulod Malaya! Abangan ang LYDO at ang PinTara sa inyong mga barangay!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 17, 2025

TINGNAN | CBDRP Batch 6 Opening Program

Sa pangunguna ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC), ginanap nitong Sabado, ika-15 ng Pebrero 2025, ang opening program para sa ika-6 na batch ng mga enrollees ng Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) sa New MDRRMO Bldg. Higit sa 40 Persons Who Used Drugs (PWUDs) ang nagtipon dito at nakibahagi sa maikling talakayan na hatid nina Police Senior Master Sergeant (PSMS) Anthony Francisco at ng San Mateo MHO.

Dumalo at nagbahagi rito ng mensahe si Konsi Joey Briones ukol sa mga kapaki-pakinabang na programa, serbisyo, at mga interbensyon na hinahatid ng Pamahalaang Bayan upang umagapay sa mga kababayan nating nasa landas ng pagbabagong buhay sa tulong ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) focal persons, iba’t ibang ahensya, tanggapan, at samahan.

Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 16, 2025

TINGNAN | Low-cost Kapon at Free Anti-Rabies Vaccination sa Brgy. Silangan

Dumagsa ngayong araw ang mga fur parents sa Brgy. Silangan na magpapakapon at magpapabakuna ng kanilang mga alagang aso’t pusa. Kasalukuyang ginaganap ang murang pagkakapon at libreng bakunahan kontra rabies sa Silangan Barangay Hall. Samantala, libreng bakunahan kontra rabies naman ang isinagawa sa Barbara II Covered Court.

Ang mga aktibidad na ito ay sa patuloy na pagtutulungan ng Stray Neuter Project at ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office at San Mateo Rizal Animal Welfare Office. Sama-sama tayo tungo sa pagkakaroon ng magandang kalusugan ng ating mga fur babies!

Dito sa bayan ng San Mateo, alaga ang iyong alaga!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 14, 2025

TINGNAN | Kasalang Bayan 2025

Mabuhay ang mga bagong kasal!

Talagang love is in the air ngayong araw sa pag-iisang dibdib ng ating mga kababayan sa ginanap na Kasalang Bayan! Pinangunahan ni Mayor Omie Rivera ang seremonya ng pagkakasal sa 59 na mga magsing-irog sa ating municipal stadium at naroon din para sumaksi rito sina Congressman Jojo Garcia, Konsi Grace Diaz, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Jojo Mariano, Konsi Jojo Juta, at Municipal Administrator Henry Desiderio.

Ang Kasalang Bayan na ito ay sa pagtutulungan ng ating Municipal Civil Registrar's Office (MCRO) at Tanggapan ng Punong bayan at inihahandog para sa ating mga kababayang nais maikasal nang libre. Muli, congratulations sa mga bagong kasal at nawa’y lalo pang tumibay ang inyong pagsasama sa habang panahon!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 14, 2025

PABATID | “Ayos ka Lungs?” Libreng chest X-ray hatid ng MHO

Sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng LIBRENG chest X-ray para sa ating mga kababayang nasa edad 15 taong gulang pataas sa ika-21 ng Pebrero 2025, sa Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatapos naman sa alas-3 ng hapon.

MAHALAGANG PAALALA: Limitado lamang ang ating mahahandugan ng libreng serbisyong ito. Para lamang ito sa UNANG 200 katao. Halina at magpasuri para sa malusog na baga!

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 14, 2025

PAGDIRIWANG | Valentine’s Day 2025

Maligayang araw ng mga puso, mga kababayan!

Ang ating Pamahalaang Bayan ay nakikiisa sa malawakang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day! Bagama’t natatangi ang araw na ito, ating tandaan na ang diwa ng pagmamahalan ay hindi dapat ipalaganap sa iisang araw lamang. Iparamdam natin ito sa ating kapwa, mga mahal sa buhay, at maging sa ating mga sarili sa tuwi-tuwina!

#SanMateoRizalLGU

#SanMateoRizalPIO


February 13, 2025

TINGNAN | Pagpapasinaya ng bagong Jollibee branch sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal

Nitong Linggo, ika-9 ng Pebrero 2025, ay isinagawa na ang pagpapasinaya ng pinakabagong branch ng Jollibee sa Brgy. Banaba. Dumalo at nagbahagi rito ng mensahe ng pasasalamat si Mayor Omie Rivera para sa oportunidad na dumami pa ang mga trabaho at mas palaguin pa ang ating ekonomiya. Narito rin sina Konsi Boy Salen at Municipal Administrator Henry Desiderio upang saksihan ang naturang programa.

Simula bukas naman, ika-14 ng Pebrero 2025, ay operasyunal na rin at ganap na sa publiko ang pagbubukas ng Jollibee Banaba sa 38 General Luna Ave., Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal. Handa na silang maghatid ng saya sa atin kaya naman save the date, kababayan! Dahil sa Jollibee, bida ang saya!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 13, 2025

PABATID | PinTara: Free Community-Based Art Workshop hatid ng LYDO

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero 2025, muling nagbabalik ang libreng visual art workshop para sa ating mga kabataan hatid sa atin ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO)! Halina’t ibida ang inyong mga natatanging pagkamalikhain sa PinTara: Free Community-Based Art Workshop!

Bukas ito para sa mga nasa edad 12 hanggang 30 taong gulang na nais matuto at mahasa pa ang kakayahan sa pagpinta gamit ang watercolor at oil pastel. Makipag-ugnayan lamang sa Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay o ‘di kaya’y sa ating LYDO upang sumali at lumahok. Para naman sa mga iskedyul ng workshop, tingnan lamang ang larawan sa ibaba.

PinTara na, kabataan ng San Mateo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity materials courtesy of San Mateo Rizal Local Youth Development Office


February 12, 2025

PABATID | Water interruption advisory mula sa Manila Water

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION bukas, ika-13 ng Pebrero 2025, alas-10 ng gabi, hanggang Biyernes, ika-14 ng Pebrero 2025 alas-4 ng madaling araw. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang EMERGENCY LINE METER REPLACEMENT ng Manila Water sa:
- General Luna cor. Batasan - San Mateo Road, San Mateo, Rizal
Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO

Publicity material courtesy of Manila Water


February 12, 2025

TINGNAN | ChariTimba Distribution ng PCSO para sa mga San Mateo-Montalban parolees

Nagsagawa kahapon, ika-11 ng Pebrero 2025, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng pamamahagi ng mga “ChariTimba” o food buckets sa nasa 400 mga San Mateo-Montalban parolees. Ginanap ito sa ating municipal stadium at pinangunahan nina PCSO Director Janet De Leon Mercado, PCSO Rizal Asst. Manager Richard Martin, at Department of Justice - Parole and Probation Administration (DOJ-PPA) Region IV-A Regional Director Shirley L. Fernandez. Narito rin sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Joey Briones, at Municipal Administrator Henry Desiderio.

Bawat ChariTimba ay naglalaman ng mga food items gaya ng bigas, canned goods, kape, at iba pang instant meals. Ang food aid project na ito ay ilan lamang sa mga assistance programs ng PCSO, sa pakikipagtulungan sa mga pambansang ahensya, lokal na pamahalaan, at mga samahan. Layunin nitong makapagpaabot ng karampatang suporta sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang mga sektor.

Maraming salamat sa inyong mga kaloob na handog, PCSO at DOJ-PPA Region IV-A!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 11, 2025

PABATID | Mobile blood donation activity ng MHO

Gaganapin sa ika-20 ng Pebrero 2025 ang isang bloodletting activity sa Purok Dos Buntong Palay Covered Court sa Brgy. Silangan na pangungunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office. Magsisimula ito ng alas-8 ng umaga at magtatapos naman ng alas-12 ng tanghali.

PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:
1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 11, 2025

TINGNAN | Bayan Ko, Titser Ko (BKTK) Program Training of Tutors

Higit sa 30 volunteer tutors mula sa SMMC at Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School (NSDAPS) ang dumalo sa isinagawang 2-day Gender Responsive Training sa ilalim ng Bayan Ko, Titser Ko (BKTK) Batch 2 Program simula kahapon, ika-10 ng Pebrero, hanggang ngayong araw, ika-11 ng Pebrero 2025. Narito sila upang magsanay at mapag-ibayo ang kanilang kaalaman patungkol sa naturang paksa. Bahagi rin ito ng kanilang paghahanda para sa kanilang pangungunahan na 15-day literacy intervention o ang pagtuturo naman sa mga identified non-readers na mag-aaral ng Justice Vicente Santiago Elementary School (JVSES).

Dumalo rito sina Municipal Administrator Henry Desiderio, Bb. Trixie Grau - iLearn MNL Founder; at G. Jethro Niel L. Omania - SMMC Program Coordinator. Nagsilbi namang resource speakers at trainers dito sina JVSES Asst. Principal Herbert Joy Tosposo, Angat San Mateo Chairperson Qwyn Rivera, at Dr. Rubina R. Noble, Bb. April L. Binolac at Bb. Maria Carmella L. Sucgang mula sa SMMC Faculty. Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, Local Council of Women, ANGAT SAN MATEO, San Mateo Municipal College (SMMC), at JVSES.

Hangad ng Pamahalaang Bayan na tiyaking walang batang maiiwan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at tagumpay sa buhay!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 11, 2025

PABATID | Trabaho para sa mga taga-San Mateo

Ang ating Pamahalaang Bayan ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Auto Electrician
- Auto Mechanic
- Motorcycle Mechanic
- Painter
- Carpenter
- Electrician

Magpasa lamang ng inyong liham aplikasyon, updated Personal Data Sheet (PDS) o updated resume/biodata sa tanggapan ng ating Human Resource Management Office (HRMO), ikalawang palapag ng ating munisipyo, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Maaari ring magpasa via email sa kanilang email address: hrmo.smr@gmail.com.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 11, 2025

Maligayang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes!

Ipinagdiriwang ngayong araw ng ating mga kababayan mula sa Munting Sambayanang Kristiyano ng Brgy. Guitnang Bayan I ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, ang patrona ng mga may sakit. Inaalala rin ng ating mga kapatid na debotong Katoliko ang araw na ito bilang World Day of Prayers for the Sick kung kaya’t taimtim nating ipanalangin sa Birhen ng Lourdes na bigyang kagalingan ang mga may karamdaman.

Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin niyo po kami.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 11, 2025

Maligayang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes!

Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, hanggang bukas, ika-12 ng Pebrero 2025. Magsisimula ito mamayang alas-10 ng gabi hanggang bukas ng alas-6 ng umaga. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang EMERGENCY LINE METER REPLACEMENT ng Manila Water sa:

- Daang Tubo cor. Kambal Rd., Brgy. Guitnang Bayan II
Maraming salamat sa inyong pag-unawa!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Manila Water


February 10, 2025

TINGNAN | Tai Chi Session para sa Senior Citizens

Higit sa 60 mga senior citizens ang aktibong nakibahagi sa isinagawang Tai Chi session nitong Sabado, ika-8 ng Pebrero 2025. Pinangunahan ito ni Master Rudolph Petalve at idinaos sa San Mateo Elementary School sa Brgy. Sta. Ana.

Nagkakaroon din ng libreng Tai Chi session for Senior Citizens sa Modesta Covered Court sa Brgy. Sto. Niño tuwing Sabado kung kaya’t halina mga lolo at lola! Tayo’y magsama-sama sa pag-eehersisyo at pagpapabuti ng katawan at pangkabuuang kalusugan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 10, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Municipal Engineering Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Engineering Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy ang implementasyon at pangangasiwa ng ating Engineering Office sa mga proyektong pang-imprastruktura, lokal man o mula sa nasyonal na ahensya. Kabilang na dito ang mga road projects, school rehabilitation, pagpapailaw sa mga kalsada, at marami pang iba.

Matapos ang kanilang pag-uulat ay malugod na ibinalita ni Bokal JP Bautista na ang ating bayan ay wagi bilang 2nd Place sa nagdaang YES Belen Decoration Contest 2024! Kaniyang iginawad ang plake ng pagkilala, kasama ang 350 packs ng mga bigas na siya namang tinanggap ni Mayor Omie Rivera kasama sina Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Jojo Juta, Liga Pres. Pablo Flores, SK Fed. Pres. Kyla Escobar, at San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)-OIC, Bb. Elaine De Jesus. Samantala, saglit na nag-anunsiyo ang ating Local Civil Registry ukol sa mga isasagawang aktibidades ng Philippine Statistics Authority sa 35th Civil Registration Month celebration ngayong buwan. Pinangunahan naman ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ang pamamahagi ng Nego-Karts at mga payong sa mga benepisyaryo ng kanilang Kabuhayan-on-the-Road Program at Project Silong.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 10, 2025

TINGNAN | SLP Orientation and Microenterprise Development Training I hatid ng DSWD Region IV-A

Sumailalim sa isang Sustainable Livelihood Program (SLP) Orientation at Microenterprise Development Training I nitong nakaraang Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2025, ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang mga barangay. Sila ay sumulat sa DSWD Central Office at ini-refer naman sa DSWD Regional Office upang makatanggap ng pagsasanay na nakatuon sa pagpapalago ng kanilang kaalaman pagdating sa pagnenegosyo.

Maraming salamat pong muli, DSWD Region IV-A, sa inyong serbisyo sa aming mga kababayan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 7, 2025

BALITANG PALAKASAN | Governor’s Cup Rizal Inter-town Basketball Tournament 2024 18U

Sa patuloy na ginaganap na Governor’s Cup Rizal Inter-town Basketball Tournament 2024 18U, hindi pinalad ang ating koponan na masungkit ang mga panalo sa dalawa nitong magkasunod na laban vs. Montalban at Cainta. Sa scores na 71-73, pabor sa Montalban, at 82-85 naman, pabor sa Cainta, nasa 3rd runner-up ang ating kasalukuyang puwesto sa kampeonato.

Gayunpaman, hanga ang ating Pamahalaang Bayan sa ipinamalas ninyong husay, Team San Mateo! Patuloy ninyong ibahagi ang inyong gilas at talento sa hard court! Patuloy rin nating suportahan ang ating mga kabataang basketbolista dahil basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 7, 2025

HAPPENING NOW | Free Family Planning Outreach Activity Program handog ng DKT Philippines Foundation at San Mateo Rizal MHO

Isinasagawa ngayong araw, ika-7 ng Pebrero 2025, ang LIBRENG Bilateral Tubal Ligation para sa mga kababaihan at Non-scalpel Vasectomy naman para sa mga kalalakihan sa Ampid I Barangay Hall. Magtungo lamang dito hanggang alas-2 ng hapon ngayong araw upang tumanggap ng libreng serbisyong medikal na ito handog ng San Mateo Rizal Municipal Health Office, katuwang ang DKT Philippines Foundation sa kanilang Family Planning Outreach Activity Program.

🔴 MAHALAGANG PAALALA:
Tiyaking hindi pa nakakakain sa loob ng tatlong (3) oras bago sumalang sa operasyon.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 6, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Road improvement project ng Rizal Provincial Engineering Office

Sisimulan na bukas, ika-7 ng Pebrero 2025, ang road improvement works ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa ating bayan. Isasagawa ito sa kahabaan ng JFD Road, mula Gen. Luna Ave. sa Brgy. Ampid I hanggang sa Jasmin St. sa Brgy. Gulod Malaya. Tatagal naman ang road works na ito hanggang ika-12 ng Hulyo 2025.

Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa naturang kalsada. Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa naturang lugar at tingnang mabuti ang mga heavy equipment, hukay, at manggagawa sa daanan.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


February 6, 2025

TINGNAN | Kabuhayan-on-the-Road Program Orientation

Ginanap kahapon, ika-5 ng Pebrero 2025, ang isang oryentasyon para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng Kabuhayan-on-the-Road Program. Ang mga naturang benepisyaryo ay binubuo ng higit sa 20 ambulant vendors o mga maninindang walang permanenteng lokasyon at oras ng pagtitinda. Sila ay dumaan sa assessment matapos tumugon sa ating anunsiyo noong Nobyembre ng nakaraang taon ukol sa panawagan para sa mga manininda.

Ang Kabuhayan-on-the-Road Program ay inilunsad ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office, bilang pagtugon sa mandato ng kanilang tanggapan na nakasaad sa Amended PESO Act of 1999. Ito ay ang paglinang ng kaalaman at kakayahan sa pagnenegosyo at ang paghahandog ng mga programang pangkabuhayan sa ating mga kababayan.

Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo ang handog sa iyo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 5, 2025

ANUNSIYO TRAPIKO | Mabagal na daloy ng trapiko sa San Mateo-Batasan Road

Kasalukuyang mabagal ang usad ng trapiko sa San Mateo-Batasan Road, partikular na sa kalsada patungong Quezon City. Ang buildup ng trapiko rito ay bunsod ng nagaganap ngayon na protesta sa tapat ng Sandiganbayan Complex, sa kahabaan ng IBP Road sa Quezon City.

Inaabisuhan ang ating mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO


February 5, 2025

TINGNAN | Gawad pagkilala para sa PESO mula sa DOLE

Pagbati sa San Mateo Rizal Public Employment Service Office!

Nitong nakaraang buwan ng Enero ay binigyang pagkilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office IV-A ang ating Public Employment Service Office (PESO) sa Lucena City, lalawigan ng Quezon. Ang pagkilalang ito ay para sa kanilang natatanging programa na pinamagatang “Streamlined Migration Symposium (SMS): Kabataan! Mag-Aabroad Ka, Sure Ka Na Ba?”. Inilunsad ito ng PESO sa paglalayong bigyan ng kinakailangang paggabay ukol sa tatahaking karera sa loob at labas ng bansa ang ating mga kabataang magsisipagtapos ng kanilang pag-aaral.

Patuloy ang pagsusumikap ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng PESO, sa pagtataguyod ng ibayong pagpapaunlad ng kaalaman at kahandaan ng mga kabataan para sa kanilang pagharap sa kinabukasan. Muli, isang malugod na pagbati para sa inyong nakamit na pagkilala at maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo, San Mateo Rizal Public Employment Service Office!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 3, 2025

PAGDIRIWANG | National Dental Health Month 2025

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa paggunita sa buwan ng Pebrero bilang National Dental Health Month. Sa tema ng selebrasyon ngayong taon na “Brushing ang Key, sa Ngiping Healthy!”, sama-sama nating itaguyod at suportahan ang mga programa at aktibidad ng ating Pamahalaang Bayan patungkol sa pangangalaga ng ating dental health.

Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 3, 2025

TINGNAN | Flag raising ceremony sa pangunguna ng Mayor’s Office

Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Tanggapan ng Punongbayan. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Kabilang sa pinalalakas ng ating Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera, ang sektor ng edukasyon. Sari-saring mga proyekto ang inilaan para rito tulad ng Iskolar ni mayor Program na ngayon ay mayroon nang Cycle 2 at may higit sa 1000 beneficiaries, pamamahagi ng 10 DSLR camera sa mga pampublikong paaralan na lalahok sa Regional Schools Press Conference Contest, renobasyon ng mga palikuran sa mga paaralan, at marami pang iba.

Samantala, iniulat naman ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office ang kanilang pinaigting na pagbuo at paglulunsad ng mga proyektong laan sa pagpapaunlad ng sektor ng kabataan. Para naman sa Special Concerns Unit, narito ang aktibong pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan sa mga organisasyon at tanggapan upang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan gaya ng Barangay Day at pamamahagi ng ayuda tuwing may bagyo o sakuna.

Matapos ang mga presentasyon, nagkaroon ng turnover ceremony ng traffic operations vehicle para sa ating Department of Public Order and Safety at patrol vehicle para sa ating Philippine National Police. Sinundan ito ng paglulunsad ng San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office ng mga kaabang-abang na aktibidad sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero.

Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO


February 3, 2025

TINGNAN | Fire incident sa Brgy. Ampid I

Kasalukuyang nananatili sa evacuation center ang mga residente na lubhang apektado ng sunog kaninang umaga sa pag-asa Compound sa Brgy. Ampid I. Magkatuwang ang ating Municipal Social Welfare and Development Office at ang pamunuan ng Brgy. Ampid I sa pamamahagi ng mga relief packs sa 17 pamilya na narito ngayon.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ukol sa naging sanhi ng sunog, maging ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Rizal MSWDO


February 3, 2025

BALITANG BAYAN | Fire incident sa Brgy. Ampid I

Isang sunog ang sumiklab at tumupok sa ilang mga kabahayan sa Pag-asa Compound, Brgy. Ampid I ngayong umaga. Ayon sa mga residente rito, nagsimula diumano ang sunog sa ikalawang palapag ng isang paupahang apartment. Kaagad na kumalat ang apoy sa mga kalapit nitong bahay na ayon sa inisyal na bilang ng Bureau of Fire Protection (BFP) ay aabot sa 25. Tinatayang nasa 16 naman ang apektadong pamilya.

Sa kasalukuyan ay naka-deploy sa lugar ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Order and Safety, Municipal Social Welfare and Development Office, Bureau of Fire Protection (BFP R4A San Mateo Fire Station) at mga emergency fire responders mula sa Brgy. Ampid I, Sta. Ana, Gulod Malaya, at Guitnang Bayan I para sa patuloy na pag-apula ng apoy, pag-evacuate ng mga apektadong residente, at pagsasagawa ng mga kinakailangang assessment.

#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO